Advertisers

Advertisers

BOGUS BLUE RIBBON COMMITTEE HEARING NG CAYETANO BLOC, MALAKING KASINUNGALINGAN

0 11

Advertisers

Mariing kinondena ng bagong talagang Senate Blue Ribbon Committee chairman na si Senator Erwin Tulfo ang mga naging paratang ni Bernard Gumban, isa sa mga nagpapakilala bilang kasama sa 18 ex-Marines, sa ginaganap na diumano ay ‘bogus’ o pekeng committee hearing, na “dahil umano sa sobrang daming kasinungalingan, siya mismo ay LITONG-LITO.”

Pinuna ni Tulfo na una, sinabi umano ni Gumban sa kanyang naunang sinumpaang salaysay na nag-deliver daw siya sa Senador ng anim na medium-sized na maleta “ngunit, galing na mismo sa kanyang bibig kanina, na dalawa at anim na maleta ang kanyang idinedeklara. ”

“Pangalawa, pati sa halaga ng diumano’y nilalaman ng mga maleta, NAGKAGULO-GULO NA. Sabi dati, kapag small, 15 to 25 million ang laman tapos ngayon, 20-25 million. Samantalang sa medium, 30 to 40 million sa affidavit, tapos 40-50 million naman ngayon. ANO BA TALAGA? Kapansin-pansin din na pili lang ang mga binanggit kahit na sa una nilang affidavit, marami ang idinawit nila. May mga dinagdag pa,” pahayag pa ni Tulfo.

“It’s a sham hearing. Di naman recorded ‘yun dahil iligal di ba? Definitely, it’s a lie. A blatant lie. Kasi nga, di lang masagot ano purpose pa. Saan galing ‘yung sinasabi nilang isa, dalawa, tatlo, apat, limang whatever the maleta is?” aniya.

Dagdag pa nito: “Ito ba ang sinasabi nilang IMPARTIAL investigation? Kapag kaalyado ligtas ka, kapag tagapagtuligsa, delikado ka? Hindi na ito isang simpleng imbestigasyon, ito ay isang malinaw at planadong propaganda laban sa aking pagkatao at reputasyon. Walang puwang sa Senado ang mga fake news at trolls. Sana nag-FB Live na lang kayo. Magkita-kita tayo sa lehitimong Blue Ribbon Committee Hearing.”

Samantala, sinabi naman ni Senator Tito Sotto na patay na noon pa ang sinasabi ng ex-Marines na tumanggap ng pera para sa kanya at ni hindi umano siya Senator nang mga panahong sinasabi nilang nagdala sila ng maletang pera para sa kanya.

“OMG,noon pa yan. Sinabi ko, I will not dignify such because I was not a Senator from 2022 to 2025. The name they mentioned na EA ko daw na tumanggap ay si Mark. Mark died in 2015. Ano ba! Wag kayo patol ng patol!! (JERRY S. TAN)