Advertisers
INIHAYAG ng Department of Justice (DOJ) na inilipat ng Korte Suprema sa Quezon City ang pagdinig sa mga kaso ng missing sabungeros.
Kinumpirma ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, mula sa mga Regional Trial Court ng Lipa, Batangas; Sta. Cruz at San Pablo Laguna ay diringgin na ang mga kaso ng Kidnapping with Homicide at Kidnapping and Serious Illegal Detention sa Quezon City RTC.
Ito ay matapos mag-mosyon ang panel of prosecutors para na rin sa seguridad at sa bigat ng mga kaso.
Ayon kay Martinez, noong February 5 pa inilabas ng Kataas-taasang Hukuman ang resolusyon pero nitong Abril at Mayo lamang nai-raffle at naipaalam sa mga korte na hahawak.
Noong Miyerkules, Hunyo 3 nang magtungo sa DOJ ang ilang kaanak kung saan sinabi ng mga ito na nagdaos ng case conference para sa reklamo nilang obstruction of justice laban sa abogado ni Atong
Ang dahil sa umano’y pagbibigay ng pera kapalit ng pagbaliktad sa kaso.