Advertisers
MAGDE-DEPLOY ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng kabuuang 4,402 pulis sa nakatakdang pagbubukas ng School Year 2026-2027.
Sinabi ni NCRPO Public Information Office (PIO) chief, Police Major Hazel Asilo, ipapakalat ang mga ito sa iba’t-ibang mga paaralan sa buong capital region upang tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan at magbantay sa seguridad.
Karamihan sa kanila ay magbabantay sa labas ng mga paaralan habang ang iba ay magbabantay sa mga Police Assistance Desks at tutulong din sa daloy ng trapiko.
Batay sa record ng NCRPO, inaasahan muli ang pagdagsa ng mga magulang at mga estudyante sa ilang malalaking lugar na siyang pangunahing babantayan ng kapulisan.