Advertisers

Advertisers

PALASYO INANUNSYONG SI GATCHALIAN ANG LEGITIMATE SENATE PRESIDENT

0 6

Advertisers

MULING iginiit ng Malakanyang na ang liderato ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian ang kanilang kinikilala.

Sa gitna ito ng isyu sa Senate leadership matapos igiit ng kampo ni Senador Alan Peter Cayetano na siya pa rin ang kasalukuyang Senate President.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na legal ang naging pagpapalit ng liderato nitong Miyerkules, Hunyo 3.



Inihalimbawa rin ni Castro ang sitwasyon noong 2015 kung saan tatlong senador ang nakakulong at maraming wala pero nakapag-convene pa rin.

Dahil dito, maituturing aniya na legal ang pag-convene at pagpapalit ng liderato nitong Miyerkules kahit 12 lamang ang present na Senador at ituring na bagong majority.



Samantala, wala namang impormasyon si Castro sa mga ulat ng umano’y pagpunta ni Sen. Chiz Escudero sa Malakanyang bago ang pagdalo nito sa sesyon nitong Miyerkules.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">