Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan ibinasura ang natitirang kaso ng ill-gotten wealth ng mga Marcos

0 6

Advertisers

TULUYAN nang ibinasura ng Sandiganbayan ang natitirang ill-gotten wealth ng pamilya Marcos na matagal na panahong hinahabol ng gobyerno.

Batay sa resolusyong inilabas ng Special Division ng anti-graft court noong Hunyo 2, 2026, sinabi nitong ibinasura ang mga natitirang “claim” matapos magpasya ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na huwag nang magsumite ng karagdagang ebidensya sa Civil Case No. 0141.

Ayon sa korte, karamihan sa mga ari-ariang saklaw ng kaso ay nabawi na sa pamamagitan ng iba pang hiwalay na kasong sibil.



Base sa tala ng Sandiganbayan, nakakuha na ang pamahalaan ng mga hatol na nag-aatas sa forfeiture o pagsamsam sa mahigit $658 million na Swiss deposits, mga ibang pondo, mga ari-arian, shares of stock, at iba pang interes na may kaugnayan sa Arelma accounts, Malacañang Jewelry Collection, at mga nalikom mula sa pagbebenta ng mga painting at artwork na nagkakahalaga ng $17 milyon.

Noong Mayo 12, 2026, naghain ang gobyerno ng manifestation na nagsasaad na hindi na ito magpapakita ng karagdagang ebidensya kaugnay ng mga natitirang ari-ariang hindi saklaw ng mga naunang partial judgments.



Kabilang sa mga natitirang alegasyon sa Civil Case No. 0141 ang umano’y bank deposits ng pamilya Marcos sa Luxembourg, Hong Kong, Cayman Islands, at Estados Unidos, gayundin ang mga shares of stock sa iba’t ibang kumpanya at iba pang ari-arian.

Ayon sa Sandiganbayan, dahil sa pahayag ng gobyerno at sa kawalan ng ebidensya hinggil sa mga natitirang ari-arian, tuluyan nang tinapos ang pagdinig sa bahagi ng kaso na hindi saklaw ng apat na partial summary judgment.



Ang resolusyon ay nilagdaan nina Justice Associates Bayani Jacinto, Mary Ann Corpus-Mañalac at Juliet Manalo-San Gaspar.