Advertisers

Advertisers

Hirit na interim arrangement ni Cayetano, kinontra ng Palasyo

0 8

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ng Malakanyang na si Acting Senate President na si Win Gatchalian ang kinikilalang lider ng Senado ng ehekutibo.

Ito ang tugon ng Palasyo matapos magmungkahi ang kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano ng isang “interim arrangement” o pansamantalang sistema sa pamamahala ng Senado upang umano’y maprotektahan ang mga empleyado sa gitna ng isyu sa liderato.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, wala umanong magiging pakinabang ang mungkahing iyon sa kasalukuyang sitwasyon.



Dagdag pa niya, maaari lamang nitong maulit ang naging isyu noon sa House of Representatives kaugnay ng term-sharing agreement nina Cayetano at Cong. Lord Allan Velasco.

Sa panukala ng kampo ni Cayetano, magkakaroon ng “dual-signatory” o dalawang pirma sa mga tseke, voucher, kontrata, at iba pang mahahalagang dokumento na may kaugnayan sa operasyon ng Senado at ng Impeachment Court. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">