Advertisers
By NONIE V. NICASIO
NAGING bahagi rin pala ng mundo ng showbiz si Malolos Mayor Christian Natividad.
Noon ay nagkaroon siya ng ilang cameo roles sa pelikula ni Bong Revilla Jr. at ng iba pang action stars.
Bukod pa rito, naging Optical Media Board (OMB) chairman din si Mayor Christian noon, after ni Ronnie Ricketts. Although isang taon lang daw ang stint niya rito, dahil muli siyang kumandidato bilang alkalde.
Nabanggit ni Mayor Christian na bukod sa gumawa siya ng movies noon, napasabak din daw siya pati sa teatro.
Kuwento ng mayor ng Bulacan, “Kasi, kasama ako sa mga play dito noon, sa teatro, once lang yata o twice. Siguro may nakakita sa akin doon, hinahatak-hatak ako, kaya napasali rin ako noon sa movies.
“Extra-extra lang naman, doon sa El Presidente (ni ER Ejercito) at yun pang isang movie na gumanap akong NBI (The Buy Bust Queen), ipinalabas iyon sa ibang bansa eh, at pati sa movie ni Bong Revilla Jr.”
Sa mga aktres, si Rhian Ramos ang hindi niya makakalimutan dahil lagi raw niyang napapanood noon si Rhian sa Pinoy adaptation ng Stairway to Heaven.
Kung isasapelikula ang kanyang buhay ay makulay daw ito.
Pahayag ni mayor Christian, “Kung sakali, siyempre ang gusto kong gumanap sa akin yung idol ko, dalawa ang idol ko eh, kundi si Joko (Diaz) ay si Jomari (Yllana). Kasi si Joko ay barakong-barako eh,” sambit niya.
Ani pa ni mayor, “Sobra hong makulay ang buhay ko, iba yung pinagmulan ng buhay ko eh, survivor ho kasi ako. Ang tatay ko kasi ay isang national figure, dating Napolcom at dating congressman ng six terms, si Atty. Teodulo Natividad.”
Hinggil naman sa project ni Mayor Christian na organic version ng flood control na matagal na niyang proyekto at ini-implement na ngayon sa Malolos, ipinagmamalaki niya ito.
Ito ay ang nature-based flood mitigation project na sa halip na puro konkretong flood control structures, ang konsepto nito ay ang paggamit ng natural at environmental solutions para mabawasan ang pagbaha, lalo na sa Isla ng Pamarawan at coastal areas ng Malolos.
Kasama sa proyekto ni Mayor Christian ang: pagtatanim at restoration ng mga bakawan (mangroves), sediment trapping systems para natural na maibalik ang shoreline, green embankments o natural dikes at ang enhanced breakwater structures para mabawasan ang impact ng alon at storm surge.
Maganda ang kanyang proyektong ito, na sinisilip na ngayon ng mga negosyante at ng national government.