Advertisers
UMAABOT sa 500 raliyista ang naitalang nagkakasa ng kilos protesta sa ilang mga lugar sa Manila at Quezon City nitong Biyernes, Hunyo 12.
Sa monitoring ng Philippine National Police (PNP) as of 10 am, nakapagmonitor ito ng 3 nagpapatuloy na kilos protesta sa Maynila partikular na sa paligid ng Isetan sa Quezon Blvd. CM Recto Ave., sa GLobo De Oro corner Quezon Blvd. sa Santa Cruz at sa may National Library, Kalaw sa Ermita.
Habang nakapagmonitor naman ng isang nagpapatuloy na kilos protesta sa Quezon City sa Elliptical Rd. Corner East Avenue.
Agad namang natapos ang isinagawang kilos protesta sa NHA Quezon City kaninang bago mag-alas nuwebe ng umaga.
Kaugnay nito, ayon kay NCRPO PMajor Hazel Asilo, nagkaroon naman ng isang insidente sa Kalaw sa Maynila kung saan isang kabataan ang nagvandal sa center island sa nasabing lugar ngunit nang pigilan ng isang pulis na nakasibilyan ay inisprayhan nito ang pulis sa ulo at tumakas.
Gayunpaman, ayon kay Asilo wala pang naitatalang untoward incident sa nasabing mga kilos protesta.
Nasa higit 8 libong pulis naman ang pinakalat ng NCRPO para tumiyak ng seguridad ng nasabing mga pagtitipon.
Samantala, tiniyak naman ng PNP na igagalang nito ang karapatan sa pagpapahayag ng mga nagkikilos protesta kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ngayong araw pati na ang mataas na pagtitimpi sa lahat ng pagkakataon.