Advertisers

Advertisers

VICE SINOPLA ANG FAN NG BTS

0 6

Advertisers

By Beth Gelena

Sa dami nang gustong makabili ng tiket para sa BTS concert ay kung sinu sinong artista ang ginagawan ng kuwento ng netizens.

Tulad na lang ng nangyari kay AC Bonifacio noong nagkaroon ng kontrobersiya tungkol sa BTS concert tickets.

Nadamay si AC sa mga usapan online matapos may mga netizens na nag-akala o nagparatang na nakakuha siya ng concert tickets sa paraang hindi patas.

Dahil sa matinding demand at kakulangan ng tickets, naging emosyonal at mainit ang diskusyon sa social media, kaya may ilang celebrities at influencers na naging target ng batikos kahit walang malinaw na ebidensiya ng anumang paglabag.

Ngayon may lumabas na namang isyu.

Si Vice Ganda naman ang tinatarget na nakakuha raw umano ito ng 50 tickets for BTS concert.

Ani ng netizen: “Mahiya ka naman vice ganda @vicegandako ang hirap kumuha ng ticket ng bts tapos ikaw 50tix pa nakuha mo. 2 lang max sa website pero sayo petiks lang. nakakahiya galawan mo. sana lumaban naman kayo ng patas.”

Nang mabasa ni Meme Vice yun ay agad niyang nirepost sa kanyang X account ang sinabi ng netizen at saka sinagot.

“Mas mahiya ka at ang mga kapwa mong mga bobo na mapagpaniwala sa mga tsismis na pang tanga! Tama yan! Nawa’y magpuyos ang mga puso nyo sa galit na likha ng mga maliliit nyong utak na kayang gaguhin ng fake news!” deklara ng Unkabogable Phenomenal Star.

Agad niyang pinabulaanan ang isyu.

“Bobong mapagpaniwala ampotah! San galing ang 50tix? Aanhin ko yun? 100 ba ang mata at tenga ko kung sakaling manunuod man ako!!! Ni hindi ko nga alam ang sched ko sa araw na yun,” ang nanggigil na sabi nig TV host.

May isa pa siyang nirepost na gawa ng netizen, pero agad na rin itong binura ng basher.

Naka-set ng two-day concert dito sa Pinas ang BTS sa March 2027 na gaganapin sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.

The highly-anticipated return of the South Korean boy group is made possible by local concert promoter Live Nation Philippines.

Maging ang content creator na si Zeinab Harake ay nakatanggap din pala ng text na katulad sa natanggap ni Vice.

Agad din itong pinabulaanan ni Harake.

In-assure niya sa BTS fans na wala siyang binibiling 50 tickets and she is spending quality time with her husband in Europe.

“Tama na sa mga fake news nyo guys as in favorite nyo talaga ako lately no? Hehe kung pwedeng man bumili ng 50 tickets automatic pamimigay ko pa yan sa mga legit na army fans kaso di po pwede yun,” ani Harake

Anyway, ayon sa ulat ang tiket ng BTS concerts ay sold out na ayon sa Live Nation Philippines.

Naghahangad ang fans ng boy group na sana ay magkaroon muli ng bentahan dahil marami pa rin ang gustong makabili ng tiket.