Advertisers

Advertisers

TULFO, NAGPAPASALAMAT KAY SEN. JOEL SA DESISYONG SUMAMA SA SPECIAL SESSION, NANALANGING GUMAYA ANG IBA SA MINORYA

0 3

Advertisers

“KAMI ay nananalangin na sana, hindi lang si Sen. Joel Villanueva ang makaramdam ng ganyan kundi lahat sila sa minority.”

Ito ang inihayag ni Senate Blue Ribbon Chair Erwin Tulfo, kasabay ng pagpapasalamat kay Villanueva sa pagpapasya nitong dumalo sa special session called for by President Ferdinand Marcos, Jr. on June 17.

Ayon kay Tulfo, sa gagawing pagdalo ni Villanueva, magiging 13 na ang mga Senador na present at magkakaroon na ng pagkakataon ang Senado na bumalik sa tungkulin nitong makapagpasa ng makahulugang mga batas na pakikinabangan ng taumbayan.

“Hindi naman kailangan sumanib sa aming pwersa bagkus, kailangan lang namin pumasok sila para magkaroon tayo ng sesyon at matapos yung mga panukalang batas. So kami po ay nagpapasalamat in advance kay Sen. Joel sabi niya na mag-attend siya kung may special session at sana, pati yung iba na rin ay umattend na rin siguro para ika nga matapos magampanan namin yung aming mga trabaho,” ani Tulfo.

Samantala ay ibinunyag ni Tulfo na may dalawa pang Senador mula sa minority bloc ang malamang sa hindi ay sumanib na sa majority dahil aniya, patuloy ang pag-uusap sa layong magpatiuloy na ang normal na trabaho sa Senado.

Ani Tulfo, inaalala lamang ng mga Senador ang ukol sa mga batikos na kanilang aanihin sa social media sa oras na piliin nan nilang dumalo sa mga sessions at kung paano makakaapekto ito sa kani-kanilang mga pamilya.

“‘Yun ang naririnig ko dun sa mga kaibigan nila na ika nga mga kasamahan namin sa majorit. ‘Yan ang problema nila. ‘Yung bashing na aabutin talagang ‘yung backlash, ika nga ‘yung hagupit, bukod sa tatawagin sila na hudas eh sasa bihin mga pamilya ng demonyo, etc., kung ano-ano. So yun ang iniisip-iisip nila ngayon. Paano sila ika nga makakaiwas na gano’n. Pero gusto nila talaga magtrabaho. Gusto nila lang to reach out. Gusto nila pumasok. Eh kaso yung grupo nila ayaw pa pumasok. Sa halip na pumasok, gusto magkaroon ng mga press conference, mga news briefing rather than pumasok sa Senate,” paliwanag pa niya.

Kaugnay ng mga trabahong nabinbin dahil sa patuloy na awayan sa pagitan ng dalawang Senate blocs, malungkot na inihayag ni Tulfo: “Naawa kami yung tatlong general, aabutan ng retirement kapag hindi na-confirm. Tapos yung dalawang basketbolista na ilang beses pabalik-balik tapos nag-away lang kami, nakakahiya para maging Filipino citizen dahil naman talaga mga Filipino yung kanilang mga ninuno o angkan, hindi matuloy-tuloy. Ilang beses pumunta yan doon. Nandoon din yata nung dumating si Bato at nag-away-away,

dumating din sila doon. Pero walang nangyari. Yung walk-out, nandoon din yung dalawang mga Fil-Am.”

Ang pagdalo ni Villanueva, aniya, ay isang ‘welcome development’ dahil tutuldukan nito ang pagsisikap ng minorya na kwestyunin ang mga aksyon ng majority, dahil sila ay 12 lamang at ani Tulfo, kahit pa piliin ng mga minority Senators na di dumalo ay mayroon pa ring quorum kung sila ay 13 na. (JERRY S. TAN)