Advertisers

Advertisers

IMPEACHMENT TRIAL NI MISFIT SARA, TULOY-TULOY NA

0 8

Advertisers

HINDI kami magbibigay ng kuro-kuro sa maingay ngunit walang saysay na paglantad ng 18 dating bodyguard ni Zaldy Co na tinaguriang “Maleta Boys.” Walang katotohanan ang mga testimonya nila noong Lunes. Hindi kami dadagdag sa matinding kalituhan ng madla. Walang kahihinatnan ang kanilang paglalahad.

Hindi kami magbigay ng komento sa petisyon na inihain noong Martes ni Alan Peter Cawatano at walong senador sa Korte Suprema. Magdaos ang Kongreso ng special session ngayon at inaasahan namin na malulutas at matatapos ng mga senador ang bangayan sa liderato ng Senado. Mag-iingay at manggugulo na lang si Cawatano..

Kapag inihalal ngayon si Sherwin Gatchalian bilang ganap na Senate President, “moot and academic” ang isyu ng liderato ng Senado. Tatahimik ang masatsat na si Cawatano upang bigyan daan ang impeachment trial ni Misfit Sara. Mawawala ang pangamba na sapilitang inaantala ng ilang senador na kampi sa kanya ang paglilitis upang makawala sa pananagutan si Misfit.

Sa waka, lilinaw kung sino ang dapat maging presiding officer ng Senado bilang impeachment court. Hindi kailangan na ilagay ang sinuman upang maging isang epektibong presiding officer. Sa ganang amin, kayang kaya ni Sherwin na naging presiding officer dahil hindi kailangan ang isang abogado upang tahakin ang paglilitis.

Sa maikli, tuloy-tuloy na ang paglilitis ni Misfit Sara. Hindi mababalam ng kahit sinong walang kaluluwang senador ang proseso. Wala ng Tricky Tsis na nagbigay ng baluktot na kahulugan sa salitang “forthwith” sa Saligang Batas. Wala ng Cawatano na magsasabing siya ang dapat na presiding officer dahil “nanatili siyang Senate President.”

Nakikita namin na bibigyan ng daan ang giit ni Kin. Terry Ridon, isa sa mga prosecutor, isama bilang ebidensya ang mahigit sa 50 armas (baril, assault weapon, at shotgun) na ay kabuuang halaga ng milyon- milyon piso sa pinagsamang deklarasyon ni Misfit Sara at asawang Manash Carpio sa kanilang SALN.

Ihaharap ng prosecution team ang mga record mula PNP at tatawagin ang nakalistang firearms dealers at valuation expert upang magbigay ng pananaw sa kabuuang halaga ng mga armas, paliwanag ni Ridon tungkol sa mga bagong ebidensya. Walang pipigil sa kanial na magpakilala ng bagong ebidensya sa pretrial miting na ipapatawag sa Huwebes.

“So tatlo ho ‘yung kahalagahan nitong bagong ebidensya na ito. Una, yung pong type of property,” ani Ridon. “Ibig kong sabihin, I think ‘yun pong mga properties na regulated properties katulad ng mga baril, firearms, dapat talagang declared ‘yan sa SALN po ng isang public official,” aniya.

Sa ilalim ng Civil Service Commission SALN guidelines, kailangan ideklara ng mga lingkod bayan ang lahat ng kanilang ari-arian kasama ang mga personal na pag-aari. Kasama ang mga armas at ang halaga at taon ng nabili ang mga iyon.

“Pangalawa, ‘yung dami. Ang question doon, tama ba na ganoong karami ‘yung pag-aari ng mag-asawa o isang public official, ganoong karami pong mga baril at mga armas na pinagsama?” ani Ridon. “At pangatlo, syempre, ‘yong usapin na mismo ng value ng mga pag-aari po na ito. It was never disclosed in the SALN of the Vice President in any year,” aniya.

“Kung limampu po mga ito, tingin ko milyun-milyon po so pagdating po ng paglilitis, we will invite po ang mga dealers kasi nakalista naman po mga dealers eh, doon po sa listahan po ng PNP at syempre if we get a valuation expert, para po makuha yung kabuuan,” ani Ridon. “Pero I’m quite certain at least 50 ang pag-aari mga baril at armas tingin ko lagpas-lagpas ng million-million ang pinag-usapan po natin,” aniya.

Ibayong paghahanda ang ginagawa sa kasalukuyan ng pangkat ng mga tagausig mula sa Camara de Representante, ayon kay Kin. Jinky Luistro, punong taga-usig. “Tuloy-tuloy ang aming preparation. Pero ang realization ko, preparation is always never enough kasi there’s always room for increasing the preparation that you already have,” ani Luistro.

“While we still have time waiting for July 6, diretso-diretso ang preparation ng prosecution team,” aniya. Hindi nagbigay ng paliwanag si Luistro sa nabalitang paglaki ng idineklarang net worth ni Misfit Sara at asawa. Ipinagbabawal ng reglamento ng Senado ang anumang paliwanag bago ang paglilitis.

Ngunit binigyan diin ni Luistro ang mga alegasyon tungkol sa hindi maipaliwanag na yaman ng mag-asawang Misfit at Manash Carpio. “Sa issue ng unexplained wealth ang importante, dapat ang acquisition justified ng lawful income. ‘Yung property, dapat kayang patunayan na kaya mong bilhin on the basis of your lawful income,” aniya.

Nagsumite noong Lunes ang pangkat ng mga tagausig ng 57-pagina na legal brief at iba pang documentary evidence na nahaharap sa impeachment trial ni Misfit sa June 18 pretrial conference bago ang paglilitis ng Senate impeachment court sa ika-6 ng Hulyo. Isinumite ni Secretary General Cheloy Garafil ang dokumento bilang pleading sa bahagi ng 11-katao prosecution team na pinangungunahan ni Luistro.

Nagsumite ang prosecution team ng 29 kopya ng brief, higit pa sa 24 senator-judges. Nagsumite rin ang mga tagausig na pangalan ng 10 private lawyers na tutulong sa mga House prosecutors sa kabuuan ng impeachment proceedings.