Advertisers
By NONIE V. NICASIO
PASABOG ang mabibistahan kay Rinoa Halili sa kanyang bagong pelikula sa VMX. Pinamagatang”Kikirot-Kirot,” napapanood na ito ngayon sa naturang app.
Bukod kay Rinoa, tampok dito sina Mark Dioniso, Skye Gonzaga, Mark Nino, at Margaret Sison, directed by Roe Pajemna.
Nakaka-intriga ang title ng kanilang movie, kaya inusisa namin si Rinoa kung makirot ba ang naging experience niya rito?
Tugon ng magandang sexy actress, “Base from the title itself, yes, since papasok po ang character ko sa plot ng story at doon mas yayanig ang buong kuwento.”
Pahabol pa ni Rinoa, “As shown in the trailer na mabibigat yung mga eksena sa movie. kaya iyan po ang dapat na abangan ninyo! Kung na kanino ang kirot sa huli.”
Nabanggit din ng sexy actress kung gaano siya ka-sexy sa pelikulang ito.
Aniya, “This is the second film I have for VMX this year and looking at it, sobrang sexy nitong film na ito. Kung hot na ang nasilip nila sa pelikulang Kesong Puti, mas hottest ito sa palagay ko po.”
All out din ba siya rito, kaya sure na hindi mabibitin ang mga barako sa kanilang movie?
“Yes! All out! Kapana-panabik ang mga eksena ng bawat character dito, dahil lahat kami may ipinakitang side na aabangan talaga ng mga manonood.”
Parang kerida ba ang role niya rito or isang playgirl?
“Hindi ko po masasabing kerida, pero siguro playgirl… kasi hired po ako sa film na iyan. Hahaha!” Nakatawang sambit pa ni Rinoa.
Sure ba na magwawater-water ang manonood ng kanilang sexy movie na ito?
“Hindi magwawater-water, kung hindi kikirot ang mga… puso nila, hahaha! Dahil sa sitwasyon na haharapin nina Roda at Ace, which is si ate Skye Gonzaga and kuya Mark Dioniso,” nakangiting wika pa ng aktres na talent ni Jojo Veloso.