Advertisers

Advertisers

Pinas No. 1 pa din pagdating sa budget transparency

0 5

Advertisers

NAGAWANG mapanatili ng Pilipinas ang pagiging numero uno (1) pagdating sa Budget Transparency sa buong Southeast Asia batay na din sa Open Budget Survey (OBS).
Ang OBS ay isang survey na isinasagawa na may kaugnayan sa transparency, accountability at public participation ng 86 bansa sa buong mundo.
Ang naturang survey ay isinagawa noong 2025 habang ang naka-upo pang Department of Budget and Management Secretary ay si Secretary Amenah Pangandaman.
Sa kabila ng pagbibitiw sa puwesto ni Pangandaman ito ay hindi lamang niya tagumpay at kararangaln kundi tagumpay at karangalan din ito ng bansang Pilipinas at bawat isang mamamayang Filipino.
Ang Pilipinas ay nasa ranked 1st sa Southeast Asia at 10th place naman sa globally for budget transparency na kung saan ang fiscal transparency score ay 76 mula sa 100.
Ito ang ikalawang pagkakataon na ang Pilipinas ay nanguna sa budget transparency na kung saan noong 2023 ang unang pagkakataon ng pagkakatala sa ilalim pa din ng liderato ni Pangandaman.
Ang OBS  ay ang world’s only independent, comparative assessment of central government budget accountability na pinangangasiwaan ng International Budget Partnership (IBP).
Na siyang otomatikong nagsasawaga ng evaluation ng national budget processes upang masukat at mapaganda pa ang mas magandang pamamahala sa buong mundo.