Advertisers

Advertisers

MALAYANG CALABARZON

0 4

Advertisers

NATUWA naman ako sa ibinalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na nagdeklara na raw ang CALABARZON region (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) na ito ay ay isa na raw na “Stable Internal Peace and Security” (SIPS), noon ding ginugunita natin ang Araw ng Kalayaan (12 June 2026).

Bakit nagdeklara ng SIPS? At ano ba itong SIPS? Maaaring tanong ninyo na naman. Bago kasi maideklara ang isang lugar, o’ rehiyon na ito ay SIPS na, kailangan wala ng magugulo sa area, yun bang halimbawa ay mga komunistang-terorista, mga rebeldeng di mo alam kung totoong may pinaglalaban o’ talagang pangingikil lang.

Ang pinag-sama-samang efforts ng mga ahensiya ng pamahalaan, sa pangunguna ng Sangdatahang Lakas na siyang lumalaban sa mga pwersang nanggugulo lang, ang nakapagtaboy, o’ nakapaglinis ng rehiyon, bago ito maideklarang SIPS.

Siyempre, kasama diyan ang mga local leaders, sa kanilang pagtanggi na suportahan pa ang mga rebeldeng Gaya ng CPP-NPA-NDF (Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Fron). Ang sama-samang efforts na ito ang magbibigay Daan naman sa pagpapagawa ng mga kinakailangang mga bagay para umuunlad ang napesteng lugar, probinsiya o’ rehiyon, gaya ng mga kalsada, silid paaralan, patubig, elektrisidad, who brought roads where there were none, schools where opportunities were scarce, and water, electricity, health at mga livelihood projects.

Kapag wala ng magugulo, at dumadaloy na ang tulong ng pamahalaan at wala na ang CPP-NPA-NDF, malaya na ang mga mamamayan, mga guro, at mga religious at civil society partners na magdala ng kaunlaran at pagkalaisa.

Matagal ang ginugugol na panahon ng ating kasundaluhan, kapulisan at iba pang mga public servants para makamit ang SIPS. Minsan buhay pa nila ang naiaalay para lamang lumaya ang lugar, sa kuko ng kasamaan.

Hinahangan ko ang katapangan, at pagsisikap ng mga pamilya, barangay officials, dating mga rebelde, local leaders, teachers, civil society groups, sundalo, pulis, at mga government workers, na nagkaisa tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng CALABARZON region.

Mabuhay kayo! At para naman sa mga kapipiranggot na CPP-NPA-NDF members na maaring patago-tago pa sa mga kagubatan, sumuko at sumama na kayo sa tamang kaparaanan upang magtuloy-tuloy na ang kaunlaran sa CALABARZON.