Advertisers

Advertisers

EMERGENCY RESPONSE NG MERALCO, MASYADONG ATRASADO ANG RESPONDE

0 5

Advertisers

Masyadong ATRASADO kung dumating ang RESPONDE mula sa mga tauhan ng MERALCO partikular na sa mga personnel ng kanilang emergency response.

Tapos na daw ang boxing kung dumating ang mga ito ayon sa kasabihan ng mga matatanda.

Ang situwasyong ito ay batay at nag-ugat sa Tondo, Manila kamakailan kung saan sabay-sabay na pumutok ang tatlong transformer ng MERALCO mula sa kanilang mga poste.

Nag-mistulang mga lusis at kuwitis sa kalangitan ang mga bagang binubuga nitong mga transformer.

Lubhang ikinabahala ito ng mga residente na agad na naglabasan ng kanilang mga bahay dahil nga sa mga malakas na putok na naging sanhi ng blackout.

Bukod sa nerbiyos at pag-aalala, talagang obligado rin silang lumabas ng kalye dahil sa matinding init ng panahon.

Dahil nga walang ilaw at kuryente, matic na wala ring bentilador or Aircon na pang-ibsan nila laban sa mainit na panahon.

Ang insidenteng ito ay naganap dakong alas 9 ng Gabi kung saan nasa kasarapan ang kanilang tulog.

Mula sa oras na iyon ay may Isang libong tawag na sa telepono, cellphone ang ginawa ng BARANGAY, mga concern citizens at mismong istasyon ng pulis na may hurisdiksiyon sa nasabing lugar sa emergency response ng MERALCO.

Isang tugon lang ang kanilang sinasabi na tila ba nasa tape-recorder at ito ay… nagdispatch na daw sila ng kanilang mga tauhan patungo sa nasabing lugar.

Lumipas ang mga oras mula alas 9, alas 10, alas 11, alas 12, ala 1, alas 2, alas 3 ngunit walang dumadating at tila wala rin silang hinihintay.

Laking pasa-salamat nila ng mamataan nila ang truck ng MERALCO patungo sa mga transformer na nagputukan
dakong alas 4 ng Umaga.

Anong klaseng emergency response nga naman ito na umabot ng walong oras bago dumating.

Samantalang lahat ng kanilang dinikta ay sinang-ayunan na natin partikular na ang patuloy na pagtaas ng ating electric bill.

Harinawa’y suklian naman ninyo ang taumbayan ng mabilis at mabuting serbisyo.

Mantakin mo ang walong oras na paghihintay, hindi gawang biro iyon dahil halos lahat NG MGA residente ay napilitang sa bangketa at kalye matulog.