Advertisers
NATUKLASAN ng National Bureau of Investigation-Central Visayas Regional Office (NBI-7) ang dalawang ghost flood control projects sa Barangay Singsing, Balamban, Cebu. Inirekomenda na ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso.
Ayon kay NBI-7 Supervising Agent Gregorio Y. Algoso Jr., sinimulan ang imbestigasyon Disyembre 2025 matapos makatanggap ng mga ulat tungkol sa iregula-ridad sa dalawang flood control projects.
Natuklasan ng mga imbes-tigador na ang coordinates na nakasaad sa kontrata ng isa sa mga proyekto ay hindi tumutugma sa anumang umiiral na flood control structure. Sa halip, nagturo ito sa ibang lokasyon kaya pinalalim pa ang imbestigasyon.
Sinabi ni Algoso na iginiit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na inilipat sa ibang barangay ang isa sa mga proyekto.
“We have in Mandaue and we found two, but there’s a technicality there because as per DPWH, instead of building in this area, they transferred it to the next barangay, for whatever reasons or justifications they made. But on paper, it appears in this barangay. So it is up to them to justify it in court,” ani Algoso.
Ayon pa sa kanya, inirekomenda na ng NBI ang pagsasampa ng dalawang kaso kaugnay ng mga proyekto, ngunit dadaan muna ang mga ito sa pagsusuri ng Department of Justice bago magsampa ng kaukulang kaso.
Saklaw ng imbestigasyon ang lahat ng sangkot sa implementasyon ng mga proyekto, kabilang ang mga contractor at mga tauhan ng DPWH.
Patuloy parin ang imbestigasyon habang nangangalap pa ng karagdagang ebidensiya ang mga awtoridad.