Advertisers

Advertisers

MALAKING KAIBAHAN SA IMPEACHMENT TRIAL AT COURT TRIAL

0 7

Advertisers

Ngayong araw (July 6, 2026) pasisimulan na ang paglilitis o ang IMPEACHMENT TRIAL laban kay VP SARA DUTERTE at bahagi sa paniniguro ng POLITICIANS ay ang makontrol ang mga aaktong SENATOR IMPEACHMENT JUDGES na kakampi ng una.

Ang IMPEACHMENT TRIAL ay kinakailangang 2/3 ng 24 SENATORS ang boboto para matanggal sa puwesto ang isinasalang sa paglilitis.., pero kung ang mayoryang boto ay makokopo ng mga SENATOR na tagasuporta ni VP DUTERTE ay siguradong maaabauwelto ito na kaiba sa kinakaharap na kaso ni SENATOR RODANTE MARCOLETA dahil sa COURT TRIAL ito masasalang na ang JUDGE ay magbabase sa mga ebidensiya ang magiging hatol at hindi tulad sa paramihan ng boto o MAJORITY VOTES ng IMPEACHMENT JUDGES.

Mga ka-ARYA.., ang IMPEACHMENT TRIAL ay tatagal ng 7-buwan ayon sa pagtaya ng mga MAMBABATAS at posibleng habang isinasagawa ang IMPEACHMENT ay sasadlak na sa kulungan ang mga SENATOR na tagasuporta ni VP SARA DUTERTE.., gayunman kahit non-bailable ang kanilang kaso ay maaaring mag-apela at makapagpiyansa rin para sa pansamantalang paglaya ang mga PRO-DUTERTE SENATORS at makapagpapartisipa sa SENATOR JUDGES VOTES na kung mangyayari ito ay siguradong maaabsuwelto si VP SARA.

Pangunahing layunin ng IMPEACHMENT TRIAL ay upang masuri o maditermina ng IMPEACHMENT JUDGES kung GUILTY ba sa KATIWALIAN at KURAPSIYON para matanggal sa puwesto ang naaakusahan., pero sa sistema ng politika sa ating bansa ay nakadepende ito sa kampihan ng POLITICIANS kaya naman pinagsisikapan ng mga SENATOR JUDGES na malagas o.maipakulong ang kanilang mga kasamahang lantaran sa pagiging DUTERTE SUPPORTERS.

Maipakulong man ang lahat ng mga SENATOR na DUTERTE SUPPORTERS tulad ni SEN. MARCOLETA para sa pagtiyak na ma-impeach si VP SARA ay matagal-tagal din ang 7-buwan na maaari pang mag-apela sa KORTE para makapagpiyansa ang mga nakulong at makukulong pang SENATORS na kung papayagan sila ng KORTE na makapagpiyansa ay susuwertehin si VP SARA at magiging malaking kabiguan naman ito sa kasalukuyang administrasyon.., dahil hindi nila napatalsik ang lantarang nagnanais maging PHILIPPINE PRESIDENT para maipagpatuloy ang napasimulang paghahari ng kaniyang tatay na si FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na kasalukuyang nakapiit ngayon sa selda ng INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC).

Ito ngayon ang malaking hamon na kinakaharap ng ating PHILIPPINE GOVERNMENT na dahil sa POLITICAL SYSTEM sa kasalukuyang panahon ay nababahiran na rin ang JUDICIAL SYSTEM na baka nasusuhulan na sa maniobrasyon ng mga namamayaning POLITICIAN GROUPS.., at kung hindi mababago ang sistema ay magiging walang saysay ang mga isinasagawang RALI kuno ng iba’t ibang grupo o ng mga relihiyon laban sa CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS kung may kinikilingan din lamang!

Dapat ay walang BUDOL o PAMBUBUDOL sa mga inilulunsad na kampanya laban sa KATIWALIAN.., kung may matibay na ebidensiya patungkol sa KATIWALIAN ay kailangang mapanagot at makulong na walang sisinuhin.., na kung sinasabing si PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ang MASTERMIND OF CORRUPTIONS ay magtiis at maghintay na lamang ang mga BITTER FORMER GOVERNMENT OFFICIALS kabilang na ang DUTERTE CAMP hanggang sa matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.., dahil ang PHILIPPINE PRESIDENT ay mayroong IMMUNITY o hinde maaaring kasuhan ninuman at maaari lamang makasuhan pagkatapos ng kaniyang termino!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email