Advertisers
ARESTADO ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Mambugan, Antipolo City matapos mahulihan ng 33 kilong marijuana nitong Sabado.
Sinabi ni Police Capt. Ramon Aquitan Jr. ng Northern Police District na naaresto ang dalawa sa bisa ng isang follow-up operation sa Mambugan.
Ito ay matapos makatanggap ng report ang pulisya na may magbabagsak ng marijuana alinsunod sa nakuhang tip mula sa naunang buy-bust sa Valenzuela noong nakaraang linggo.
Tinatayang nasa P3.9 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam.
Patuloy pa ang follow-up operation ng drug operatives.
Supplier ng high grade marijuana huli sa Valenzuela
ARESTADO ng Northern Police District – Drug Enforcement Unit (NPD-DEU) ang supplier ng high grade marijuana sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng gabi.
Kinilala ni NPD Director Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naaresto na si Josaphat Velarde alyas “Boss”, 29, ng No. 7 Athens Building, Chateu, Barangay Lingunan.
Ayon kay Gen. Ylagan, 11:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Ramon Aquitan Jr. ang buy-bust operation sa Mc Arthur Highway, Brgy. Malanday kungsaan isang undercover pulis ang nagawang makabili sa suspek ng high grade marijuana na nagkakahalaga sa P40,000.
Nang iabot na ni Velarde ang droga kapalit ng P40,000 marked money sa poseur-buyer ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Ayon kay DSOU head Lt. Col. Giovanny Hycenth Caliao I na nangasiwa ng operation, nakuha sa suspek ang 2 balot ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 1,000 gramo na nasa P120,000 ang halaga, 78 gramo ng Kush na nasa P117,000 ang halaga, digital weighing scale, iPhone 5 cellphone at marked money.
Sasampahan ang suspek ng kasong Comprehensive Dangerous Drug Act sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Beth Samson)