Advertisers
INIHAYAG ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla si Ma O Aplasca, dating hepe ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms (OSAA), ay na-dismiss na sa serbisyo.
Ani Remulla, nilagdaan niya ang dismissal order ni Aplasca noong Monday, June 29 at bagama’t hindi nito tinalakay ang mga detalye, matatandaan na si Aplasca ay nasangkot sa kontroebersyal na shooting incident sa loob ng Senado noong Mayo 13, na sinundan ng pagkakatakas ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na noon ay kinustodiya ng Senado kaugnay ng arrest warrant na kinakaharap nito bilang co-respondent ni dating President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
Habang sinasabi ni Aplasca na ‘warning shots’ ang kanyang pinaputok dahil me nakita siyang National Bureau of Investigation (NBI) sa Senado, mariin naman itong itinanggi ng NBI.
Sa video footage na ipinakita ng Philippine National Police sa publiko, ang sinasabing NBI agent ay nasa gusali ng GSIS na katabi ng Senate building.
Bago masibak, si Aplasca ay isinailalim sa preventive suspension habang iniimbestigahan
Matatandaan na bago mapunta ng OSAA, si Aplasca ay hepe ng Office for Transport Security (OTS) at napuwersang magbitiw matapos balaan ng noon ay House Speaker Martin Romualdez na haharangin nito ang budget ng OTS kapag hindi magbitiw si Aplasca.
Ito ay sa gitna ng mga reklamo ng pagnanakaw sa mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na kinatampukan ng kahiya-hiyang paglunok ng mga dolyar ng isang OTS personnel. (JERRY S. TAN)