Advertisers
By Beth Gelena
Pumalag si Pasig Mayor Vico Sotto sa ulat ng umano’y suspension order mula sa Ombudsman.
Mariing pinabulaanan at tinawag na isang fake news ni Pasig City Mayor Vico ang mga naglalabasang ulat na papatawan umano siya ng preventive suspension order mula sa Office of the Ombudsman dahil sa isang umuusbong na isyu
Ayon sa mga kumakalat na mapanirang impormasyon, ang nasabing reklamo umano ay dahil sa hindi paglabas ng isang libo at limang daang pisong one-time cash allowance para sa mga kawani ng Pasig City Hall noong nakaraang founding anniversary ng lungsod.
Sa pamamagitan ng isang matapang at malinaw na Facebook post nitong Sabado Hulyo 11, tahasang ipinahayag ng butihing alkalde na ang mga ganitong uri ng propaganda ay posibleng pinopondohan ng mga taong may pansariling interes. Nananawagan din ngayon ang sikat na alkalde sa kanyang mga nasasakupan at sa buong publiko na maging mapanuri sa mga nababasa sa internet at agad na i-report ang isang Facebook page na nagpapakalat ng matitinding kasinungalingan laban sa kanya.
Mariing pinabulaanan ni Mayor Vico ang kumakalat na ulat na papatawan umano siya ng preventive suspension order ng Office of the Ombudsman (OMB).
Ayon sa mga ulat, kaugnay umano ito sa reklamo ng hindi pamamahagi ng 1,500 one-time cash allowance para sa mga empleyado ng Pasig City Hall noong founding anniversary ng lungsod.