Advertisers
ARESTADO ang 56-anyos na school principal sa Abra na iniuugnay sa pa-mamaril sa isang buntis na guro sa Tayum.
Ayon sa pulisya, inaresto ang principal nang mag-isyu ng warrant of arrest ang kor-te.
Inakusahan ang principal ng pamamaril sa guro sa Barangay Bumagcat, Mayo 8, 2026.
Nakilala ng mister ng biktima ang principal dahil nakaligtas ito sa pag-atake at namukhaan ang gunman.
Sinabi ni Tayum Police Station chief Captain Cerel Gaspili na ang eyewitness identification ay isa sa maha-lagang bahagi ng imbestiga-syon.
“Natukoy ang salarin sa pamamagitan ng kaniyang mister. Kasi siya ang nakakita sa salarin noong binaril sila… Paglabas ng kaniyang warrant, doon namin ikinasa ‘yung paghuli sa kaniya,” sinabi ni Gaspili.
Lumabas sa imbestigasyon na nagalit at nagtanim ng sama ng loob ang principal sa titser dahil sa paghahain nito ng reklamo laban sa kanya.
Ang titser ay buntis ng mangyari ang krimen.
Ayon sa pulisya, napag-alaman ng biktima na ang principal ay mayroong relasyon sa kanyang 15-anyos na anak na babae at nagsimula ang rela-syong ito 12 anyos pa lamang ang bata.
“Gusto niyang kasuhan itong suspek… ayon sa nakuha naming impormasyon, 12 years old pa ‘yung anak nila doon nag-umpisa ‘yung relasyon nila,” aniya.
Tinutukoy na rin ng pulisya ang motorcycle rider na pinaniniwalaang tumulong sa salarin na isagawa ang pag-atake.
Ang naturang principal ay kabilang sa Top 10 Most Wanted List ng Abra.(Rey Velasco)