Advertisers
SINIPA na sa puwesto ang tatlong pulis ng San Rafael Municipal Police Station nang ireklamo ng isang negosyante ng “pang-aaresto” sa Barangay Tangos Baliwag City, Huwebes ng tanghali.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director, Colonel Jay Bayba-yan, nagreklamo ang biktimang si alyas “Henry”. Nila-pitan aniya siya ng apat na lalaking nagpakilalang pulis at pilit na pinasasakay sa isang kulay pulang kotse, na nahagip ng CCTV footages sa lugar.
Nabatid na walang naipa-kitang warrant of arrest o anumang dokumento ang grupo ng mga pulis at dalawang sibilyan kaya tumanggi siyang sumama.
Rumesponde ang ilang empleyado sa establisyimento kaya hindi siya naisakay sa sasakyan.
Lumalabas sa imbestiga-syon ng Baliwag Police, “mistaken identity” ang pangyayari. Nagkamali umano ang mga pulis sa taong hinahanap.
Dahil sa pangyayari, sinibak sa pwesto ang bagong upo na hepe ng San Rafael Police Station, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.(Thony D. Arcenal)