Advertisers

Advertisers

OPISYAL NG PNP PATAY PAGRESPONDE SA KAGULUHAN

0 7

Advertisers

NASAWI ang isang opi-syal ng Philippine National Police (PNP) nang pagbabarilin habang rumeresponde sa isang kaguluhan sa loob ng isang videoke bar sa Bara-ngay Binuntucan, Pontevedra, Capiz, 12:00 ng umaga nitong Lunes, Hulyo 20.
Kinilala ang biktima na si Police Captain Rian Fuentes Ampoyos, 48 anyos, opisyal ng 1st Capiz Provincial Mobile Force Company (PMFC) at residente ng Brgy. Swa, President Roxas, Capiz.
Kinilala naman ang salarin na si “William”, 38, residente ng Brgy. Jolongajog, Pontevedra.
Ayon sa ulat, rumesponde si Capt. Ampoyos kasama ang dalawa pang pulis nang makatanggap ng tawag hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa naturang establishment.
Habang pinagsasabihan ng opisyal ang mga sangkot, biglang pinutukan ni William si Capt. Ampoyos, na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan.
Agad namang naaresto sa pinangyarihan ng insidente ang salarin.
Nakumpiska ng mga pulis ang isang kalibre .45 pistol na may isang bala at isang magazine na may lamang limang bala.
Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Pontevedra Municipal Police Station laban sa dalawa pang kasamahan ng salarin.