Advertisers
KLINARO ng Office of the Ombudsman na wala silang natanggap na kopya ng counter-affidavit mula kay Sen. Robin Padilla kaugnay ng reklamo sa umano’y pagtulong na makatakas si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, na may arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, tanging ang kontra-salaysay lamang na isinumite ni Sen. Alan Peter Cayetano ang nagre-reflect sa kanilang system.
Tapos na rin aniya ang 15 araw na ibinigay sa kanila para magsumite ng counter-affidavit kaugnay ng reklamo.
Ibig sabihin, aaksyunan na ng Ombudsman ang reklamo batay sa kung ano ang mayroon silang hawak.
Sagot ito ni Clavano matapos itanggi ni Padilla nitong Lunes, Hulyo 20, sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, na hindi siya tumugon sa summons para magpaliwanag, ayon na rin kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.