Advertisers

Advertisers

702 Entertainment Production CEO Mara Aragon, pinangunahan ang Katha Music and Fashion Fest

0 33

Advertisers

By NONIE V. NICASIO

NAGING matagumpay ang ginanap na show titled “Katha Music and Fashion Fest” sa Viva Cafe last July 18, 2026. Ang event ay pinangunahan ng 702 Entertainment Production CEO na si Mara Aragon.

Bakit Katha ang title?

Tugon ni Mara, “Katha po ang naisip namin na festival name para po sa three shows namin, kasi naniniwala po kami na sa imahinasyon nagsisimulang magbukas ng mga possibilities at mga kakayahan ang isang tao.

“Ang Katha po ay mayroong three shows sa loob nito: Fashion-esque na fashion show po with 23 kid models showcasing three collections: denim, casual, at Filipiniana. Sa Hit It! The Recital naman po, mga students ng voice lessons ng 702 Entertainment Production na sina Marikit Enrique, Shaun Jass Dela Torre, Mayumi Enrique, Cynthia Lipumano, Mharjay Cacayan, at Ayessa Lina at online students from across the globe na sila Sophia Marie Roy, Hannah Rose Roy, Arki Nikka, and Sofia Bianchi ang bumida while performing songs from Broadway musicals.

“Pangatlo po ay Melodia: The 702 Concert kung saan naman po nagperform ang ilang mga mahuhusay na OPM artists at PPOP group. May new dance group po kami, ang 702 dancer na nag-perform din po roon.”

Esplika pa niya, “Proud po naming masasabi na pinamunuan po ng buong production ang pagtakbo ng event. Simula po pre-production hanggang dulo ng event tulong-tulong po na binuo ito lalo na po nila Direk Nanette Adriano, Coach Cyrus ‘Boodz’ Rull sa choreography at pag-coordinate sa fashion show, at me, Coach Mara sa pag-coordinate sa mga vocal students.

“Dahil tatlong shows po ang nakapaloob sa Katha, ang mga main performers po ay ang lahat ng sumali sa event para ipakita ang kanilang angking galing. Ang mga nag-participate at sumuporta po sa event na mga guest artists ay sila Jam Leviste, Mia Japson, Kittrix, at Jewel Maj Magat. Nag-participate po sila sa pag-awit sa Hit It! The Recital, at sa Fashion-esque naman po ay ang mga batang models, at OPM artists naman po sa Melodia.”

Nabanggit din ni Mara na proud siya sa kanyang students.

“Sobrang proud po ako sa mga students ko dahil sa kanilang commitment na gawin ang best sa stage at i-apply kung ano man ang natutunan sa kanilang mga lessons, naappreciate nya rin pati ng buong production ang pagdalo ng mga batang models at artists para kumanta at bilang suporta rin sa mga cancer warriors ng Tanging Hiling Organization, dahil ang event ay for a cause sa organisasyong ito.

“Naging matagumpay ang takbo ng show at lahat ay nagpakitang gilas, marami ang natuwa at nakisaya sa show at ang feedback po ng ilan ay nabitin sila. Ito rin po ang ilan sa mga shows ng 702 Entertainment Production na ang mistulang concert ay ginanap ng tanghali hanggang hapon,” masayang sambit pa niya.

Ang iba pang naging bahagi ng show na Katha ay sina Abdul-Rashed Bayao, Arn Ryvayne Soriano, Kira Zane Faustino, Andireah Garnet Manglicmot, Gold Noor E, Basea, Yhael Ezekiel Tejada, Empress Euna Caparas, Amelia Ricci Esguerra, Xyryll Ann Herrera, Kingsley Eric Paloma, Jenson Joseph Obina, Lindsey Rhyanne Caga-anan, Jonas Cuayzon, Ece Jagger P. Masaganda, Ayessa Zabate, Savannah Irish Madriaga, John Niel Babac, Chinwha Mae Canillo, at Bhenzkyle Canillo.