Advertisers
BINEBERIPIKA ng Philippine National Police (PNP) ang mga ulat na naka-labas na ng Pilipinas ang wanted na negosyanteng si Atong Ang, ayon kay PNP chief GeneralJose Melencio Nartatez, Jr.
Sinabi ni Nartatez na naniniwala ang pulisya na nasa loob parin ng bansa si Ang.
“The last known place na pinuntahan niya is matagal na ‘yun, dito pa rin sa Pilipinas. And if there were reports that he fled already, leaving our country, we are verifying that,” ani Nartatez.
“But to the strongest possibility, nandito siya sa Pilipinas,” dagdag pa niya.
Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad si Ang kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa mga nawawalang sabungero noong kasagsagan ng kanyang online sabong.(Mark Obleada)