Advertisers
MGA iniwang mensahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kaniyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) noong lunes Hulyo 27, hinggil sa pagiging marespeto at ‘dignified’ ng mga Pilipino.
Kamakailan lamang, ipinagdiwang ng Pilipinas ang ika-sampung anibersaryo ng pagkapanalo natin sa UNCLOS sa usapin sa West Philippine Sea.
Pero sa gitna ng isang dekadang panalo ng Pilipinas — sunod-sunod naman ang agresyon ng China.
Kabilang na rito ang racist ‘monkey’ video ng China Daily; pamumukpok ng China Coast Guard sa mga tauhan ng Philippine Navy; at ang dalawang araw na magkasunod na pamomomba ng tubig ng China sa mga tauhan ng PH Coast Guard at BFAR.
Sa huling bahagi ng speech ni PBBM, kinilala nito ang mga personnel ng AFP, PCG, at maging ng mga mangingisda na patuloy na nagpo-protekta sa soberanya ng ating mga karagatan.
Aniya, taas-noo at kapit-bisig na tinindigan ng mga Pilipino ang mga ganitong banta sa ating seguridad.
Mga kapwa kong Pilipino, sa ganitong mga banta sa ating seguridad, sa loob at labas ng bansa, tayo’y tumindig nang taas-noo at magkapit-bisig.
‘Sa mga pang-aalipusta, hindi tayo matitinag. Sa manlulupig, hindi tayo pasisiil.’ dagdag pa ng Pangulo.
ROMUALDEZ, IGAGALANG ANG PAHAYAG NI PBBM SA SONA. KAUGNAY SA ISASAMPANG KASO NG OMBUDSMAN LABAN SA KANYA
Samantala aminado naman si datingEx-Speaker Romualdez, iginagalang ang pahayag ni PBBM kaugnay ng plano ng Ombudsman na magsampa ng reklamo laban House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na kahit masakit para sa kanyang pamilya ay iginagalang niya ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa kanyang katatapos na State of the Nation Address (SONA), inihayag ni Pangulong Marcos ang plano ng Ombudsman na sampahan ng patung-patong na reklamo o kaso ang kanyang pinsan na si Romualdez kaugnay ng flood control scandal.
Binanggit din ni Pangulong Marcos na masakit man, hindi lamang siya pangulo ng kanyang pamilya at mga kaibigan kundi ng buong bansa, at ang kanyang tungkulin ay para sa mga Pilipino.
Diin ni Romualdez, kailanman ay hindi siya humingi ng pabor o espesyal na pagtrato.
Sang-ayon din si Romualdez na gawin ang tama, na sundin ang proseso at hayaang ang ebidensya ang magsalita.
Muling nanindigan si Romualdez na wala siyang ginawang anumang labag sa batas at handa niya itong patunayan.
***
Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com