Advertisers
TINIYAK ng Malakanyang na hindi pa pinal ang pagpapatupad ng kontrobersyal na Pax Silica Project.
Ito ay kasunod ng panawagang ipahinto ang proyekto dahil sa pangamba sa suplay ng tubig, kuryente, at umano’y kakulangan sa konsultasyon sa mga apektadong komunidad.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, patuloy pang sinusuri ng pamahalaan ang lahat ng isyung kaugnay ng proyekto, kabilang ang magiging epekto nito sa tubig at kuryente.
Dahil dito, sinabi niyang maaari pang baguhin ang ilang probisyon ng proyekto kung ito ang makabubuti sa mga Pilipino at sa mga bansang katuwang ng Pilipinas.
Samantala, tumanggi naman magkomento si Castro sa kawalan ng ideya ni Vice President Sara Duterte tungkol sa Pax Silica.
Matatandaang sa isang panayam sa The Hague, tinanong si Duterte kung ano ang kaniyang pananaw sa proyekto, ngunit hindi ito nakapagbigay ng anumang sagot. (Vanz Fernandez)