Advertisers
PUMANAW na ang da-ting Zamboanga del Norte representative na si Romeo Jalosjos Sr., ayon sa anunsiyo ng kanyang anak na si Seth Frederick “Bullet” Jalosjos nitong Linggo, Agosto 2.
“It is with profound sorrow and heavy hearts that our family announces the passing of our beloved father, Romeo “Nonong” Garcia Jalosjos,” pahayag niya.
Inilarawan niya ang kanyang ama bilang isang lider, negosyante, media personality at lingkod-bayan na naglaan ng kanyang buhay sa pagtulong sa mga mamama-yan ng Zamboanga del Norte.
Dagdag pa niya, “To us, he was simply Dad – our source of strength, our protector, our greatest teacher, and the heart of our family. His wisdom, generosity, resilience, and unconditional love shaped who we are and will continue to guide us for the rest of our lives.”
Isasagawa ang burol ni Jalosjos Sr., sa The Heritage Park sa Taguig City mula Agosto 3 hanggang 5. Pagkatapos nito, ililipat ang kanyang labi sa Gloria de Da-pitan Complex sa Dapitan City mula Agosto 6 hanggang 12.
Naging kontrobersiyal ang pangalang Romeo Jalosjos sa kasong panggagahasa na isinampa laban sa kanya.Taon 1997, nahatulan siya sa kasong rape sa isang 11-anyos na babae. Hinatulan siya ng ‘reclusion perpetua’.
Opisyal na nakalaya si Jalosjos mula sa New Bilibid Prison Marso 2009, matapos makulong ng humigit-kumulang 13 taon, dahil sa accumulated good conduct time allowances.