Advertisers
INANUNSYO ng Malakanyang na isinumite na nitong Lunes ng Department of Budget and Management (DBM) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P7.2-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa fiscal year 2027.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, nakatuon ang panukalang budget sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, pambansang seguridad, at pagpapalakas ng mga komunidad.
Layunin din nitong mapahusay ang serbisyo ng gobyerno at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.
Pormal na isusumite ng DBM sa House of Representatives ang panukalang budget, ngayong Martes, August 11 para sa delibera-syon. (Vanz Fernandez)