Advertisers
Tiniyak ni Manila Congressman Joel Chua na patuloy siyang magsisikap upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga walang kabuhayan, partikular na sa mga residente ng ikatlong distrito ng Maynila.
Ang pagtitiyak ay ginawa ni Chua kasabay ng pangunguna sa implementasyon ng livelihood program, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Napag-alamann na daang residente na walang mapagkukunan ng ikabubuhay ang naging bahagi ng ‘qualified beneficiaries’ ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP).
“Ipinagkaloob ang livelihood assistance sa mga qualified beneficiaries upang magkaroon sila ng dagdag na hanapbuhay at mas matatag na kabuhayan,” ani Chua.
Dagdag pa nito:”Patuloy ang Hatid ay Serbisyo, mas maraming oportunidad, mas maraming pag-asa para sa bawat pamilyang nangangailangan.”
Ang DILP oKabuhayan Program, ay isang flagship project ng Department of Labor and Employment na nagbibigay ng tulong para sa starter kits, raw materials at training upang tulungan ang mga ‘vulnerable, marginalized and displaced workers’ na makapagsimula ng sustainable small businesses.
“Those who are eligible to become beneficiares are self-employed workers with low or unstable income; marginalized and landless farmers or fisherfolk; unemployed or displaced workers and low-wage seasonal workers and parents of child laborers,” ani Chua. (JERRY S. TAN)