Advertisers
Sa mga taga-Hilagang Luzon, hindi na bago ang kagandahan ng Mt. Ulap sa Ampucao, Itogon, Benguet. Dinarayo ang bundok dahil sa kilala ito sa kanyang mga summit na madalas balutin ng hamog, sariwang hangin ng pine trees, at scenic ridges na paboritong puntahan ng mga lokal at turistang hiker.
Sa Setyembre 25, 2026, ang bawat hakbang sa tanyag na ecotrial ay magkakaroon ng panibagong kahulugan.
Sa pamamagitan ng “1st Baguio City Jail Male Dormitory Hike for a Cause” ng Baguio City Jail Male Dormitory (BCJMD), ang pag-akyat sa bundok ay hindi lamang para sa sariling kalusugan o magagandang larawan kung hindi isa itong kongretong paraan ng pag-alalay o pagtulong sa ating mga kababayan.
Sa ilalim ng pamumuno ni BJMP Chief Jail Director Efren Altamira Nemeño, kasama si BJMPRO-CAR Regional Director JCSUPT Delvic L. Oreiro at BCJMD City Jail Warden JCINSP Dexter B. Ngipol, patuloy na isinusulong ng kawanihan ang mas makatao at community-centric na rehabilitasyon para sa ating mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa pamamagitan ng K.A.W.A.N.I. Program, pinatutunayan ng BJMP na ang tunay na pagbabago ay nangyayari kapag nagtutulungan ang pamahalaan, pulisya, at ang mamamayan.
Ano nga ba ang K.A.W.A.N.I.? Isa itong programang inisyatibo ng BJMP sa ilalim ng pambansang direktiba ng Pambansang Punong Himpilan na nakatuon sa pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad, pagtataguyod ng kalusugan at kagalingan, at pagbuo ng mga napapanatiling pakikipagtulungan sa mamamayan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok at pagkukusa.
Ang temang “One Step. One Cause. One Future” ay isang paanyaya sa lahat – beteranong man o baguhang hiker kung saan ang pagsama sa aktibidad na ito ay simbolo ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon at pagbuo ng mas ligtas at maunlad na komunidad.
Sa mga nais na lumahok, narito ang ilan mahalagang impormasyon – bago umakyat sa bundok, magtitipon ang lahat dakong 4:30 ng umaga, Setyembre 25, 2026 (Biyernes) sa Mt. Ulap Ecotrail, Ampucao, Itogon, Benguet.
Magkano naman ang registration fee? P1,000.00 ang registration fee kung saan kabilang sa bayad ay official event shirt, certificate of participation, at snacks pagkatapos na event.
Paano ang sumali? Maaring magrehistro sa pamamagitan ng online – I-scan ang QR code sa opisyal na poster o mag-rehistro gamit ang Google Forms habang mayroon naman onsite registration sa tanggapan ng Baguio City Jail Male Dormitory, 104 Abanao Street, Baguio City.
Sa halagang ?1,000, hindi lamang magandang tanawin at physical fitness ang maipapanalunan ng bawat kalahok. Ang bawat pagod, at pawis sa Mt. Ulap ay magiging tulay upang maipagpatuloy ang mga makabuluhang programa para sa rehabilitasyon at pag-asa ng ating mga kapwa mamamayan.
Ano pang ginagawa mo kabayan? Sali na at magparehistro na…maaakyat mo na ang Mt. Ulap, makakatulong ka pa. Kita kits tayo sa summit.