Advertisers
SA kanyang pag-testify sa Sandiganbayan 3rd Division laban kay dating Senador Bong Revilla nitong Mierkoles, August 12, 2026, nabanggit ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan ang pangalan nina Senador Bong Go at Robin Padilla na humihirit ng proyekto.
Say ni Bonoan, nag-submit sa kanya ng listahan si dating DPWH Under Secretary Roberto Bernardo ng listahan ng infrastructure projects para kay Sen. Go at Sen. Padilla noong 2025.
Hindi binanggit ni Bonoan kung ano-anong infras at kung magkano ang halaga nito.
May nabasa akong post ng isang movie director na nagbaba ng P150 million si Sen. Padilla para sa pagpagawa ng isang Philippine Film Heritage. Hindi raw natapos ang gusali, nangangailangan pa raw ng dagdag na pondo.
Tungkol kay Sen. Go, hindi na bago ang humirit siya ng mga proyekto dahil mayroon contruction company ang kanyang mga kaanak na nakapangalan pa yata sa kanya, sabi ni dating Senador Antonio Trillanes.
Anyway, tiyak maraming ibubulgar itong si Bonoan ngayong isa na siya sa state witnesses sa kaso ng ghost flood control projects.
Abangan!
***
NATAWA ako sa mga tanong ni Senator-Judge Robin Padilla sa House private prosecutor Atty. Lorna Kaounan sa pagpapatuloy ng Impeachment Trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Tanong ni Robin: “Excuse lang po, nagguluhan po kasi ako sa mga binabanggit na pangalan. Bakit naman haatang inimbento niyo lang yng mga pangalan, tapos ngayon ginagawa niyo oang katatawanan. Hindi ba’t kabastos-bastos yon?”
Sagot ni Atty Kapunan: “Hindi po namin gustong bastusin ang nakasulat sa dokumento, binabasa ko lamang ito. FYI, Senator-Judge Padilla, ito po ay hindi nanggaling sa amin. Ito po ay kopya ng mga pangalan kung kanino nakipag-transactions ang OVP.”
Natulala si Robin. Hahaha…
Hindi yata naisip ni Padilla na lahat ng dokumento na hawak ng COA ay nanggaling mismo sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte, at ‘yan ang hinihimay o pinagdedebatehan ngayon ng prosecutor at defense team.
Sa mga tirada ni Robin ay lalo lang nadidiin si VP Sara eh. Hehehe…
***
PINAGALITAN ni Sandiganbayan 2nd Division Presiding Justice Geraldine Econg si Tarlac Rep. Noel “Bong” Rivera dahil naka-maong at t-shirt lang ito sa pagdalo sa kanyang arraignment.
Si Rivera ay nahaharap sa 9 counts ng Graft dahil sa pagiging “cong-tractor” sa kanyang mismong mga proyekyo sa kanyang distrito. Conflict of interest ito.
“For a congressman to appear like that in court… You do not respect the court? Do you want to appear many times so you will know how to dress properly?”, ngitngit ni Justice Econg.
Reset ang arraingment.