Advertisers

Advertisers

After DTI! R & D Entertainment Production Ni “Pop Rock Diva” Rozz Daniels At Husband Si David Daniels Registered Na Rin Sa BIR; TALA Group, Ni DJ Alvin Waging 1st Runner-up Sa “P-Pop Idols” Year 3

0 23

Advertisers

Ni Peter Ledesma

“Success!!! Thank you BIR,” caption post pa ng aking alagang recording artist-performer and now businesswoman na si Rozz Daniels sa kanyang official Facebook Fan Page na patuloy sa pagdami ng bilang ng followers.

Yes happy, si Rozz at american husband na si Sir David Daniels at rehistrado na rin sa Bureau Of Internal Revenue o BIR ang first business venture nilang R & D Entertainment Production. Gusto siyempre ng mag-asawa na legal ang kanilang negosyo. Nauna na pala itong naparehistro ni Rozz sa Department of Trade and Industry(DTI). Nitong August 12 naman ay kasama si Sir David ay nagtungo naman si Rozz sa upisina ng BIR sa may Nuvali, Laguna at magiliw siyang inasikaso ng mga staff roon. At nang malaman ng mga empleyado rito na recording artist si Rozz na kasalukuyang nagpo-promote ng two songs niya na revival ng “Bulong Ng Damdamin” at original christmas single na “My One Love On Christmas Day” na parehong composed ni iconic Doc Mon del Rosario. Hinanap talaga nila ang pamaskong awitin na ito ni Rozz sa cellphone at nang makita ay agad nila itong pinatugtog at sinabayan ng mga taga BIR ang My One Love On Christmas Day ng kilalang “Pop Rock Diva of the Philippines.” At gandang-ganda raw sila sa song na ang lyrics ay base sa love story ni Rozz and Sir David. ‘Yung isa sa staff, rito ay sinabihan pa si Rozz na kapag sikat na siya, ay baka assistant na lang nito ang kanyang papupuntahin sa BIR. Thankful, si Rozz sa lahat ng mababait na staff ng BIR. At ang nakatutuwa pa ay hindi siya pinag-antay ng matagal at agad na ine-released ang BIR registration ni Rozz para sa production business nga nila ni Sir David. Kaya agad nga na naglagay ng success, si Rozz sa kanyang caption post.

Samantala, maraming projects na gagawin ang R & D Entertainment Production na may kinalaman syempre sa showbiz career ni Rozz at ng nephews nila ni Sir David na sina Shiharu T. Saito at Brandon Lee Torregosa na mga talent at bini-build up ngayon ng said production company along with Rozz’s niece pretty singer-dancer Monica Torregosa. At ang R & D Entertainment Production ang hahawak ng 2026 Mall Tour ni Rozz na binansagan ring Independent Concert Queen at Revival Queen sa showbiz.

Anim na Mall shows ang gagawin ni Rozz this year at siguradong ikatutuwa at ikasisiya ito ng lahat ng kanyang fans and supporters. And now Rozz, is a certified businesswoman. Bukod pala sa pagiging manager at publicist ni Rozz, ang inyong lingkod rin ang magsisilbing publicist at handler ng nasabing production company. And I enjoy, working with Rozz and Sir David, who are true friends of mine. Good luck to R & D Entertainment Production at wish naming lumaki ito at lumawak.

***

Upon instruction, ng friend kong mahusay na TV and Event host na si DJ Alvin. Pagbaba ko ng Event Center ng Ever Gotesco Mall para interbiyuhin after the event ang mga little girl group na TALA na mina-manage ni DJ Alvin. Nasaksihan ko na habang nagpe-perform at compete ang TALA group, ay walang tigil ang palakpakan at hiyawan sa kanila ng crowd that afternoon. Ibig sabihin ay marami ng fans at supporters ang newest girl group na binansagang mga little BINI.

Very overwhelming ang maiinit na pagtanggap sa kanila. And yes the “TALA” dance move is the same as BINI’s. Kaya may karapatan silang i-compare sa nasabing Girl Nation Group. Going back, doon sa sinalihang contest ng Tala group na P-Pop Idols Year 3 kung saan nakipag-showdown sila sa tatlong grupo na hindi nila mga ka-ages. Maliban na unfair sa mga alaga ni DJ Alvin na malalaki ang mga nakalaban.

Amoy na amoy na nagkaroon ng lutuan at animo’y naging cooking show ang naturang competition na nanalo o nahirang na 1st Runner-up ang TALA Group. Na kung pagbabasehan ang kanilang naging performances. At kung isa kami sa mga tumayong Judges ay para sa amin ay ang TALA ang aming Grand Champion. Well, kahit saan ay uso talaga ang dayaan. Pero remember sa showbiz ay may kasabihan na ang 1st runner-up ang magtatagal ang career, at mapapag-iwan nito ang grand winner.

By the way, ang TALA ay binubuo ng 7 members na mga pretty, cute, at talented group na sina Princess Shanica-Palomo(as Tala Shanica), Elyza Dwinette Cadorna(Tala Elyza), Shassy Girl Daug-Daug(Tala Shassy), Ayesha Cutamora(Tala Ayesha), Princess Sergs Loraine(Tala Raine), Pearl Nathalie Divine( Tala Pearl) at Tala Vida na si Danaerys Alfreja Ortega. At ang ibig sabihin pala ng TALA ay T-talents, A-ambitious, L-limitless at A-achievers. TALA has a 3 Album singles like T.A.L.A(Let’s Shine), IKAW ANG TAHANAN(You are my home).

Abangan din ninyo ang 4th single Album nilang ire-release soon na “SIGAW.” Lahat ng songs ng TALA, ay si DJ Alvin ang nag-composed at arranged. Meron lang siyang co-composer sa T.A.LA si Ms Kath. Sa ginawa pala naming interview para sa mga promising talents ni DJ Alvin sa Pizza Hut, Ever Gotesco Mall last August 9. Halos lahat ng miyembro ng TALA ay ultimate dream na maging artista like Tala Elyza na artistahin na pwede at pasadong maging childstar. Elyza is the face of group TALA.

May ilan din na ang ambisyon ay maging doctor at police. At may movie na nga pala ang grupong ito na “Tumbang Preso na dinirek ni Mark Agcaoili. Anak ng mahirap ang role ng mga ito at si Elyza na anak mayaman ang tutulong sa mga kapwa niya bata. May afternoon Premiere ang Tumbang Preso sa Fisher Mall sa August 29, 1:00 PM at dadaluhan ito ng buong cast, parents ng TALA, director at si DJ Alvin at personal akong inimbita ni DJ Alvin sa said event. Tumbang Preso, is an adocacy film, kaya plano at target ng producer na maipalabas ito sa mga school.