Advertisers

Advertisers

8 teams maglalaban sa NSAC World Invitational

0 4

Advertisers

ANG NSAC World Invitational na inihandog ng Philippine Sports Commission (PSC) ay magtitipon ng walong koponan mula sa Pilipinas, Hapon, Taiwan, at Australia para sa tatlong araw na internasiyonal na kumpetisyon sa basketball mula Agosto 14 hanggang 16 sa PhilSports Arena sa Lungsod ng Pasig.

Inoganisa ng AsiaBasket, pinagsasama ng torneo ang apat na programa ng kolehiyo sa Pilipinas kasama ang apat na internasyonal na koponan, na nagbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante-atleta na Pilipino na subukan ang kanilang kakayahan laban sa iba’t ibang programa at estilo ng paglalaro ng basketball.
Kinakatawan ng Pilipinas ang University of Santo Tomas Growling Tigers, San Beda University Red Lions, Jose Rizal University Heavy Bombers at Far Eastern University Tamaraws.

Sasama rin sa kanila ang Fighting Eagles Nagoya at Tenri University mula Japan, National Formosa University mula Taiwan at Elite Stacks AUS mula Australia.

Binigyan ng mainit na pagtanggap ni Philippine Sports Commission Chairman Patrick “Pato” Gregorio ang pagsasagawa ng internasyonal na paligsahan at ang mga oportunidad na hatid nito para sa mga estudyanteng atleta ng Pilipino.

“The NSAC World Invitational gives our student-athletes an opportunity to compete against international opposition here at home and gain valuable experience that can contribute to their development. The Philippine Sports Commission is pleased to support initiatives that create more meaningful competitive opportunities for Filipino athletes,” wika ni Gregorio.

Sinabi ni Jai Reyes, Tagapagtatag at CEO ng AsiaBasket, na ipinapakita ng torneo ang layunin ng organisasyon na lumikha ng mas maraming oportunidad para sa basketball ng Pilipinas na makipagtagisan sa pandaigdigang kompetisyon.

Nagpasalamat din si Reyes sa Philippine Sports Commission at sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa kanilang suporta sa paligsahan.