Advertisers

Advertisers

Covid update: 10,967 gumaling; 8 nasawi; 1,928 bagong kaso

0 193

Advertisers

NAKAPAGTALA pa ng karagdagang 1,928 na kaso ng coronavirus disease ang Department of Health (DOH) nitong Linggo, Pebrero 14.
Samantala ay mayroon namang naitalang 10,967 na gumaling at 8 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.7% (25,918) ang aktibong kaso, 93.2% (511,743) na ang gumaling, at 2.10% (11,515) ang namatay.
Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na alalahanin ang paghahatid ng kaligtasan at malasakit sa isat-isa.
Lagi umanong alalahanin na ang ating pag-iingat ang siyang pagpapatotoo ng ating tunay na pagmamalasakit para sa isa’t isa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)