Advertisers
SUMASANDIG si Philippine Olympic Committee president ( Cong.) Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa sport na tennis,athletics,boxing ,jiu- jitsu, weightlifting, judo e-sport at ibang pwedeng humugot ng sorpresa upang lagpasan ang 4- gold medal haul noong 2023 Asian Games, sa pagsabak ng Team Phippines sa paparating na 2026 Asian Games sa Aichi- Nagoya,Japan higit isang buwan mula ngayon..
” Siguro naman. malalagpasan natin ang four golds kahit may obstacle tayo.Defending champion tayo sa basketball ,we never know ganun pa ba kalakas ang team natin.Iyong mga Pinoy players na naglalaro sa Japan at Korea leagues di pinayagan ng organizer kasi sila mismo ang kalaban.Pag napunan ng team natin ay tiyak malagpasan natin iyong last Asiad,” wika ni Tolentino.
” Dami pa tayo pagkukunan like of course Alex( Eala) sa tennis kung lalaro siya. Si EJ, golden performance niya linggo-linggo na pangitain na.Sa boxing, jiu- itsu always delivering,weightlifting may surprises yan, beach volleyball podium yan, gymnastics magkapatid na yan, aquatics, me nakatago pa, iyang judo,at e- sports. Hopefully lagpas talaga ng apat.with or without basketball pero kung malakas pa rin … good!,” ani pa Bambol, ang itinuturing na lucky. charm ng mga atleta sa Olympics, SEAGames at Asiad.
Basta sa timon ni POC prexy Bambol gold pa more, Team Philippines.. para HAPPY ALL!
Shoutout to compadre Solomon Padiz, academician/ sportsman and proud father of national badminton paddlewielder Monchie na kasalukuyang nakikipaghatawan para sa karangalan ng bansa sa Singapore.Bring home the bacon Monchie! Mistulang karagatan na naman ang malawak na palayan at kabukiran sa aking hometown na La Paz, Tarlac. Tuwing tag-ulan ng siyam- siyam ay binabaha ang bayang kong ito pero pinakamalala ngayon kung kelan me flood control na bilyones ang gastos pero sinira lang ng mahinang unos dahil sa bulsa ng mga timawang nakapuwesto ang malaking bahagi pondo para sa tao.Sa susunod na delubyo ay iaanod na ang mga demonyo..antayin ninyo!