Advertisers

Advertisers

Gaming company swak sa P2.2b tax case

0 2

Advertisers

UMUUSAD na ang isinampang reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR), partikular ang tax evasion na nagkakahalaga ng P2.228 bilyon laban sa Hongsheng Gaming Technology, Inc. sa Department of Justice (DOJ).
Ayon sa kawanihan, ang naturang kompanya na nagpapatakbo ng offshore gaming activities sa bansa ay nahaharap sa mga reklamong underdeclaration ng kita, hindi tamang deklarasyon ng value-added tax (VAT), at kabiguang mag-withhold at mag-remit ng final withholding tax para sa mga dayuhang manggagawa nito mula taxable years 2021 hanggang 2023.
Lumalabas sa imbestigasyon at mga rekord mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno na may malaking pagkakaiba sa mga idineklarang kita ng Hongsheng kumpara sa mga opisyal na tala, dahilan upang umabot sa kabuuang P2,227,759,311.21 ang deficiency tax liability nito.
Binigyang-diin ni BIR Commissioner Charlito Martin R. Mendoza na patuloy nilang poprotektahan ang mga tapat na nagbabayad ng buwis laban sa tahasang tax evasion, kasabay ng giit na walang negosyong dapat kumita sa Pilipinas habang umiiwas sa obligasyong itinatakda ng batas.
Ang pagsasampa ng kaso ay bahagi ng Run After Tax Evaders (RATE) Program ng BIR upang paigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa mga gawaing nagpapababa sa kita ng pamahalaan.