Advertisers

Advertisers

GUTEZA BINAWI PASABOG VS ROMUALDEZ, INGINUSO SINA MARCOLETA AT DEFENSOR!

0 3

Advertisers

BINAWI ng dating sundalo at security aide ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co na si Orly Guteza ang dati niyang pahayag na naghatid siya ng mga male-tang puno ng pera kay noo’y House Speaker Martin Romualdez.
Sa bagong affidavit na may petsang Agosto 13, iginiit ni Guteza na wala siyang personal na kaalaman sa sinasa-bing paghahatid ng pera kay Romualdez, inakusahan sina Senador Rodante Marcoleta at dating kongresista Mike Defensor na nasa likod ng paggawa ng kanyang naunang salaysay.
Inakusahan din niya sina Marcoleta at Defensor na silang may papel sa paghahanda at pagrebisa ng affidavit na ginamit bago siya humarap sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, 2025. Ang naturang mga alegasyon ay mula sa bagong salaysay ni Guteza at hindi pa nakumpirma ng independi-yente.
Noong 2025, humarap si Guteza bilang surprise witness sa imbestigasyon ng Senado at sinabi noon na kabilang siya sa grupong naghatid ng mga maletang may lamang pera sa tirahan ni Romualdez habang nagtatrabaho bilang security aide ni Co.
Mahalaga ang pagbawi ng kanyang salaysay dahil ang dati niyang testimonya ay kabilang sa mga impormasyong isinama sa rekla-mong may kaugnayan sa anomalya sa flood control projects na sinusuri ng Office of the Ombudsman.
Wala pang inilalabas na tugon sina Marcoleta at Defensor sa mga bagong alega-syon ni Guteza.
Sina Marcoleta at Defensor ay kapwa nakakulong sa kasong Plunder kaugnay ng P75 million contribution fund para sa kandidatura mg senador noong 2022 election, pero hindi nito dineklara sa kanyang SOCE at SALN.