Advertisers
KAHIT sunod-sunod na bagyo na ang nagpalubog sa iba’t ibang panig ng CALABARZON ay hindi napigil ang mga illegal vices operation lalo na sa lalawigan ng Batangas, na itinuturing na hot bed din ng kriminalidad at bentahan ng droga.

Ang lantarang operasyon ng mga bawal na bisyo tulad ng peryahang may sugalan (pergalan), puesto pijo ng saklaan o baklay, bookies ng Small Town Lottery (STL), EZ 2, Pick 3 at Lotteng ay isinisi sa isang retired police sergeant na nagpakilalang encargado o bagman ni PNP Region 4A Acting Dir. BGen. Dominic Baccay?
Bukod sa nagpakilalang encargado ng heneral, si alyas Sgt. Cruz din na retiradong miyembro ng Rizal PNP ang itinuturong nagbigay ng bendisyon upang walang takot na makapag-operate ang mga maintainner ng ilegal na pasugal sa hurisdiksyon ni Batangas Acting PNP Provincial Dir. Col. Oliver Ebora.
Si alyas Sgt. Cruz din ang nasa likod ng pagbubukas ng illegal vices sa Cavite, Laguna, Rizal at Quezon. Sa kabila ng magkakasunod na pananalasa ng mga bagyong Category 5 Super Typhoon ay nag-ooperte din ang illegal quarry operation sa Batangas lalo na sa bayan ng Taysan at iba pa na isinisisi din kay alyas Sgt. Cruz.
Tinukoy ng ating mga KASIKRETA ang mga ilegal na pasugalan sa Batangas na nag-ooperate sa kabila ng kalunos-lunos na kalagayan ng mga mamamayan dala ng kalamidad.
Ang mga sakla sa mga sumusunod na barangay: Manggahan ni alyas Jonathan; Reparo ni alyas Jojo; Bucana ni alyas Gigel; Catandaan ni Jemwel; Lumbangan ni alyas Kon Inan at Tumalim ni alyas Tess, na pawang nasasakupan nina Nasugbu Mayor Antonio Jose Barcelon at Police Chief Lt. Col. Roel Gabito.
Itinuturong protektor ng mga naturang ilegalista sa Nasugbu ang isang pulis na alyas Rowel at alyas Sgt. Ilao.
May 20 ding sakla na pinatatakbo sa iba’t ibang barangay ang Lipa City Mafia na kinabibilangan nina alyas Oying, alyas Figaro, CJ at policewoman alyas Sgt. Michelle. Gabi-gabing naghahatag ang mga ito ng tumataginting na Php 120,000 na intelhencia sa ilang Lipa City Police official bukod pa sa tinatanggap ng ilang city hall top brasses.
Sina Oying, Figaro, CJ at alyas Sgt. Michelle din at ang sindikato na “Big 4” ang nasa likod ng talamak na operasyon ng STL bookies sa naturang lungsod na hometown nina Executive Sec. Ralph Recto at ng maybahay nitong Gov. Vilma Santos- Recto.
Ang iba pang mga sakla den sa Batangas ay ang inooperate nina Jeff, alyas Tisoy at Nonit sa bayan ni Padre Garcia Mayor Celsa Braga-Rivera; Lucido ng Tanauan City; Magsino na kumikilos sa Sto. Tomas City at bayan ng Mataas na Kahoy; alyas Morpe sa bayan ni Rosario Mayor Leovy Morpe; Ronel ng bayan ng San Juan; alyas Kap Mike ng Alitagtag; alyas Digo ng Poblacion at Lumbangan sa bayan ni Tuy Mayor Jose Jecerell Cerrado at Arnaiz sa bayan ni Taysan Mayor Brigido Villena.
May mga peryahan din na bukod sa sugalan ay pugad ng bentahan ng shabu na pinatatakbo ni alyas Larry sa Santiago sa bayan ni Malvar Mayor Artemio Abu; alyas Onad at Allan sa siyudad ni Calaca Mayor Nas Ona; Allan at Maricel sa Darasa, Tanauan City; Onad at Egay sa San Rafael, Joseph sa San Agustin, Ashley sa Sta. Clara, pawang sa siyudad ni Sto. Tomas Mayor Arth Marasigan.
Si alyas Rodalyn ay may peryahan na sugalan at shabuhan sa Mabayabas, sa bayan din ni Mayor Villena; alyas Marineth sa Apacible Street, sa bayan ni San Nicolas Mayor Lester De Sagun, alyas Tina ng San Roque, sa bayan ng Bauan Mayor Wendah Dolor; alyas Mundo sa bayan ni Lemery Mayor Ian Alilio at alyas Nanay Amie na may mga color games at Pingpong sa bayan ni Rosario Mayor Morpe.
Ngunit higit na perwisyo at pinsala ang dulot ng operasyon ng illegal quarry sa mga barangay ng Piña, San Marcelino, Pinagbayanan at iba pang lugar sa bayan ni Taysan Mayor Villena.
Bukod sa illegal quarry sa Taysan ay garapalan din doon ang STL bookies, sakla o baklay ng isang alyas Arnaiz na di pinaaksyunan nina Mayor Villena at Police Chief Maj. Nasser Jibrael Baiddin.
Bagsak at inutil ang implementasyon ng Matatag na Pagbabantay sa Batangas kung ang pagbabatayan ay ang patuloy na operasyon ng mapaminsalang illegal quarry at gambling na di naaaksyunan nina BGen. Baccay at Col. Ebora. May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144