Advertisers
GUMIGINHAWA na ang water system ng San Jose del Monte sa loob ng wala pang 3 buwan mula nang hawakan ito ng Metro Pacific Bulacan Water (MPBW).
Mula sa 122.36 million liters per day ( MLD) naging 135.19 MLD o tumaas ng 10.5% ang produksyon ng tubig ngayong Agosto.
Tumaas din ang output ng Water Treatment Plants 1 at 2 mula 40 MLD hanggang 55 MLD, at muling pinaandar ang 3 deep wells sa Francisco Homes.
Na-repair na ang 600 sa 890 pipeline leaks na minana sa dating operator.
Bumaba ang reklamo mula 12-14 chats kada minuto noong Hulyo tungo sa 3-4 chats kada 2 minuto* ngayon.
Pinalawak din ang customer service sa 9 barangay clusters.
May water rationing parin sa matataas na lugar gamit ang 22 tankers at 16 city trucks araw-araw.
Habang may mga susunod pang proyekto gaya ng pipelaying works mula Tanawin hanggang Igay Road para sa dag 15 MLD para sa l15,000 kabahayan, at 960-meter pipeline sa Minuyan Proper.
Ayon kay Mayor Florida “Ate Rida” Robes at MPBW President Andrew Pangilinan, patuloy ang rehabilitation para makamit ang mas maraming tubig at mas maaasahang serbisyo para sa mga San Joseño.