Advertisers

Advertisers

DILG, DepEd maglalagay ng bgy. tanod sa loob ng iskul

0 4

Advertisers

PINAPLANO na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Education (DepEd) ang pagtatalaga ng mga barangay tanod sa loob ng mga paaralan upang maiwasan ang mga karahasang posibleng maganap.
May kinalaman ang hakbang na ito sa mga nangya-ring school shooting incident sa ilang paaralan sa bansa, partikular sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) – Junior High School noong Martes, Agosto 18, 2026; at San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, 2026.
Matatandaang isang mag-aaral ang nasawi sa naturang school shooting incident sa Zamboanga City habang binaril mismo ng Child in Conflict with the Law (CICL) ang kaniyang sarili, at tatlong estudyante naman ang namatay sa pamamaril din ng dalawang menor-de-edad sa nabanggit na paaralan sa Tacloban City.
Sa naging pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla sa pagdinig ng House Committee on Appropriations nitong Huwebes, Agosto 27, 2026, si-nabi niya kay Akbayan Partylist Rep. Dadah Kiram Ismula na pinaplano nila ng DepEd ang pagbubuo ng memorandum circular na mag-uutos sa mga barangay tanod na makapasok sa loob ng mga paaralan.
“The first part is that the Department of Education and the DILG are entering a memorandum circular to allow barangay tanods inside the school buildings. They will be part of the security augmentation force to inspect the bags before they enter,” pagsisi-mula niya.
Ani Remulla, regular naman na iinspeksyunin ng mga kawani ng pulisya ang pagpasok at paglabas ng mga mag-aaral sa kanilang mga eskwelahan upang masigurado ang seguridad ng kabataan sa durasyon ng school hours.
“After that, the PNP is regularly scheduled in the ingress and egress of the students during school time,” ‘ika niya.
“They are required to be there so all schools are to be secured between ‘yong pasukan at ‘yong pauwian nila,” pagtatapos pa niya.