Advertisers

Advertisers

SILG Remulla isinusulong payagan ang PNP na inspeksyunin ang mga baril ng gun owners

0 4

Advertisers

ITINUTULAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla sa pamahalaan na payagan ang Philippine National Police (PNP) na makapasok sa tahanan ng mga nagmamay-ari ng baril upang inspeksyunin kung maayos at ligtas ang pagtatago ng kanilang mga armas.

Ayon kay Remulla, panukala na matiyak na ligtas na nakatago ang mga baril at hindi basta-basta maaabot ng mga hindi awtorisadong indibidwal.

Dagdag pa ni Remulla sa pagdinig ng kanilang budget sa Kamara, pribilehiyo ang pagkakaroon ng baril na pinapayagan sa ilalim ng batas.



Kaugnay ito ng mga insidente ng pamamaril kung saan nagagamit ang mga baril ng ibang miyembro ng pamilya o mga indibidwal na hindi naman awtorisadong humawak ng armas.

Giit ni Remulla, nais nilang maiwasan ang mga ganitong insidente sa pamamagitan ng mas mahigpit na pagbabantay sa tamang pagtatago at seguridad ng mga baril sa loob ng tahanan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">