Advertisers

Advertisers

Vice Ganda bigating Kapuso stars ang iinterbyuhin sa pagbabalik ng “Gandang Gabi Vice”

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Matapos ang anim na taon, muling mapapanood si Vice Ganda sa bagong season ng sikat na talk-comedy show na “Gandang Gabi Vice,” na inaasahang magbabalik sa Setyembre.

“Pinaka-exciting, makakasama at mai-interview ko na ang mga Kapuso stars na gusto kong makatrabaho sa show ko. Posible na talaga! Marami rin sa GMA stars ang gustong magkaroon ng ‘GGV’ experience,” kuwento ni Vice sa panayam.

Kinumpirma ni ABS-CBN Chief Operating Officer Cory V. Vidanes ang pagbabalik ng programa sa stockholders’ meeting ng kumpanya noong Agosto 19.

Ayon kay Vidanes, mapapanood ang bagong season sa GMA, iWant at Kapamilya Channel, na bahagi ng patuloy na pagpapalawak ng ABS-CBN sa iba’t ibang platforms.

Nagtapos ang “Gandang Gabi Vice” noong Marso 2020 matapos ang siyam na taon sa telebisyon. Sa pagtatapos ng programa, nagpahiwatig si Vice na maaari itong muling bumalik matapos ang tinawag niyang “mahabang commercial break.”

Kilala ang programa sa comedy, mga banat ni Vice at kuwentuhan kasama ang mga celebrity guest.

Samantala, nakatakda ring ilunsad sa Oktubre ang “Pinoy Big Brother Collab 3.0,” isang proyekto ng ABS-CBN at GMA.

Ang pagbabalik ng “Gandang Gabi Vice” ay muling magdadala sa telebisyon ng isa sa mga kinilalang entertainment programs ni Vice Ganda.