Advertisers
Ni Dominic Roa
Naku! Kitang-kita na kamakailan ang sweetness overload nina Joaquin at Lella sa katatapos lang na Star Magic All Star Basketbal! Marami ang kinilig sa loveteam o tandem ng LelQuin at dinig na dinig mo ang sigawan sa MOA Arena kapag nagdidikit na ang dalawa with matching pa-rosas pa si Joaquin kay Lella!
Marami rin ang nagsabing may chemistry ang dalawa at mukhang lalawak pa ang fandom nila kapag nabigyan na silang dalawa ng magandang proyekto sa ABS! Hay! What a kilig na sana lang ay mas marami pa ang susuporta sa kanila!
XIA VIGOR BIG PROJECT ANG GAGAWIN SA VIVA
HIndi na nga mapipigilan pa ang patuloy na pagariba ng karera nitong dating child star na si Xia Vigor. Sa huling pagharap nito sa entertainment media ay kitang-kita na ang dalagang Xia at nangibabaw sa interviews ang kanyang pagiging matalino in answering questions na ibinabato sa kanya!
Kasalukuyang naga-undergo sa isang matinding workshop si Xia para sa isang magandang project nito as solo actor sa bakuran ng Viva.
Napipintong ngayong September naman ay magiging anala na rin ang dalaga para sa shooting ng pelikulang MIracle Cell #7 with Aga na official entry naman ng Viva Films para sa Metro Manila Film Festival 202 this December!