Advertisers
Ni Beth Gelena
Hindi raw posibleng idesenyo ni Mikee Quintos ang bahay ng dati niyang boyfriend na si Paul Salas kung kukunin ng aktor ang serbisyo niya.
Kinongratulate muna ni Boy Abunda si Mikee bago mag-umpisa ang programang FTWBA nitong nakaraang August 26.
Nagtapos kasi ng Architecture si Mikee last year sa University of Santo Tomas.
After ng pagbati, tinanong siya ni Kuya Boy kung itutuloy ang pagiging architect at kung magte-take siya ng licensure examination.
Paliwanag ni Mikee, mahaba ang proseso dahil kailangan niyang makumpleto ang apprenticeship na umaabot sa halos 4,000 oras.
Hindi lamang architectural design ang kailangan niyang pagdaanan dahil kasama rin ang exposure sa iba’t ibang aspeto tulad ng engineering.
Ayon sa kanya, karaniwang maaaring abutin ng humigit-kumulang dalawang taon ang pagkumpleto ng kinakailangang oras para sa isang fresh graduate, pero dahil sa kanyang sitwasyon, tinatarget niyang matapos ito sa tatlong taon.
Tanong pa sa kanya, kung Iiwan ba niya ang showbiz?
Sagot ni Mikee:
“Parang ’di ko kaya, Tito.”
Nang sabihin ni Boy na maaari naman niyang pagsabayin ang dalawang career, naging playful ngunit malinaw ang sagot ni Mikee.
“Ang bigat ng word na ‘iwan.’ Tama na ’yung ganyan. Pwede bang huwag nating ginagawa ’yan?”
Sa madaling salita, hindi niya planong talikuran ang showbiz. Gusto niyang magkaroon ng pagkakataong ipagpatuloy ang architecture habang nananatili rin sa entertainment industry.
Napunta rin ang usapan sa kanyang ex na si Paul Salas.
Tinanong ni Boy kung tatanggapin ba niya ang posibilidad na siya ang magdisenyo ng bahay ni Paul sakaling kunin siya bilang architect.
“Bakit naman hindi, if the price is right! O sige.”
Pero, kung may celebrity raw na gusto niyang gawan ng bahay?
Binanggit ni Mikee ang BTS member na si Jungkook.
Biro pa niya: “Totoo yan. Pero kung may celebrity na pwede kong idisenyo ng bahay, kay Jungkook. Siyempre lalagyan ko ng kwarto ko.”
Napag-usapan din ang naging relasyon nila ni Paul at kung kaya na ba niyang makitang may bagong girlfriend ang ex.
“Oo naman. Gusto ko nga siyang maging happy. Gusto ko.”
Ipinaliwanag ni Mikee na nagkaroon sila ng huling pag-uusap ni Paul kung saan napagkasunduan nilang magandang alaala ang kanilang apat na taong relasyon, sa halip na puro negatibong bagay ang dadalahin nilang alaala.
Para kay Mikee hindi niya kailangang pumili sa pagitan ng dalawang pangarap.
May seryoso siyang plano na maging licensed architect, pero hindi rin niya nakikitang tuluyang mawawala sa kanyang buhay sa showbiz.