Advertisers

Advertisers

Ara Mina na-link din kay Manny Pacquiao

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nilinaw ni Ara Mina ang matagal nang usap-usapan tungkol sa umano’y naging relasyon nila ni Manny Pacquiao, at iginiit na hindi sila naging magkasintahan.

Sa kanyang pagbisita sa “Kay Susan Tayo! Vlogs,” sinabi ni Ara na nagmula lamang ang pagkaka-link sa kanila sa pelikulang pinagsamahan nila.

Ayon sa aktres, minsan nang ikinuwento ni Pacquiao na crush siya nito bago pa man sumikat bilang boksingero. Hindi niya itinuring na panliligaw ang ipinakitang atensyon ng dating senador.

Bukod kay Pacquiao, napag-usapan din ni Ara ang ilang naging bahagi ng kanyang love life, kabilang sina Jomari Yllana, Patrick Meneses at Eric Fructuoso.

Apat na taon ang itinagal ng relasyon nila ni Jomari, na naging kontrobersyal dahil sa dating asawa nitong si Aiko Melendez. Nilinaw ni Ara na hiwalay na sina Jomari at Aiko nang maging sila.

Tatlo’t kalahating taon naman ang relasyon niya kay Patrick, na naging ama ng kanyang anak na si Mandy. Sa kasalukuyan, masaya si Ara sa piling ng asawang si Dave Almarinez.