Advertisers
MAHIGPIT na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang sitwasyon sa mga lugar na apektado ng malakas na pag-ulan dala ng habagat, sinabi ng Malacañang nitong Linggo.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na inatasan ng Pangulo ang mga ahensya ng gobyerno na tiyakin ang agarang tulong sa mga apektado ng malakas na pag-ulan.
“Iniutos at pinaalalahanan ang mga ahensya ng pamahalaan ng mabilis na pagtugon sa mga kailangan ng mga biktima ng matinding buhos ng ulan,” dagdag ni Castro.
Ang patuloy na malakas na pag-ulan na dala ng habagat ay nagdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Luzon, partikular sa Central Luzon at Metro Manila. (Vanz Fernandez)