Advertisers
Ni Mercy Lejarde
Personal na nagtungo sa ospital ang aktor na si Niño Muhlach upang kumustahin si Nicolas Villanueva, ang biktima ng aksidenteng kinasangkutan niya kamakailan.
Sa kanyang pagbisita, nais umano ni Niño na kumustahin ang kalagayan ni Nicolas at personal na humingi ng paumanhin sa kanya at sa kanyang pamilya.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Niño ang latest update tungkol sa kondisyon ni Nicolas.
“I just personally visited Nicolas Villanueva sa ospital to check on his condition. Siya yung aking natamaan sa aksidente na nangyari.” aniya.
Ayon kay Niño, malaki ang kanyang pasasalamat dahil mas bumuti na ang kalagayan ni Nicolas at patuloy na itong nagpapagaling.
“I am relieved and grateful to share that he is doing much better and is now on the road to a full recovery.” ani Niño.
Nilinaw rin ni Niño na walang nabaling buto kay Nicolas. Aniya, nagtamo lamang ito ng mga pasa at sugat sa mga binti.
“To clear up any concerns, wala naman po siyang bali. He sustained bruises and cuts on his legs, but the hospital is taking great care of him.” ani Niño.
Samantala, sinabi ni Niño na personal siyang humingi ng paumanhin kay Nicolas at sa pamilya nito at tiniyak na hindi niya sila pababayaan.
“I went there to personally apologize to Nicolas and his family. Sinabi ko sa kanya na hindi ko naman siya pababayaan.” aniya.
Ipinahayag din ng aktor na buong pananagutan niya ang nangyaring insidente.
“I take full accountability for this incident because it was my fault. Thank you so much to everyone who reached out with care and concern.” dadag ni Niño.
Matatandaang nasugatan si Nicolas Villanueva sa isang vehicular accident na nangyari noong Linggo, Agosto 23, na kinasangkutan at minamaneho ni Niño Muhlach.
——
Mas pinainit at pina-sexy ang ika-apat na season ng kauna-unahang reality queer dating series na “Sparks Camp,” hatid ang mas nagbabagang hamon, drama, at romansa sa isla na tiyak magpapakilig din sa mga manonood sa bago nitong tahanan sa iWant.
Inilahad na rin kamakailan ang bagong set ng mga camper na handang magpainit sa patok na queer dating show, tulad nina “Mr. Explore-Actor” Tommy, “The Drag Queen-Sation” Ian, “The Japinoy Charmer” Taku, “The Shy Achiever” Jury, at “The Babyboy Next Door” Michael.
Kasali rin ang “The Walkin’ Conyo Heartthrob” Joaquin, “The Gio-Target Chinito” Gio, “The Genz-Incere Lover” EJ, “The Daddy-Sirable Cutie” Beej, at “The Fil-Am-Azing Wonderboy” Howie.
Makakasama pa rin nila ang “Mother Sparker” na si Mela Habijan na gagabay sa kanilang pakikipagsapalaran na mahanap ang kanilang true spark sa isla.
Sa direksyon muli ni Ted Boborol, ang bagong season ng “Sparks Camp” ay kolaborasyon ng iWant at PlayTime Entertainment matapos ang mainit na pagtanggap sa vertical drama serye nitong “Will You Fake Marry Me?” nina JM Ibarra at Fyang Smith.
Abangan ang “Sparks Camp” Season 4 ngayong Setyembre sa iWant.