Advertisers

Advertisers

Mommy na kaming lahat!!! – Alex Gonzaga

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ipinost ni Alex Gonzaga sa kanyang Instagram Stories ang isang espesyal na moment kasama ang kanyang mga kaibigan na matagal na niyang kasama sa buhay.

Sa caption, “Mommy na kami lahat!!! Shoutout sa isang buntis at 2 nasa States na wala sa vid hehehehe!!!

Sinabi ni Alex na nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong 2003, noong high school at college pa sila. Ngayon, magkakasama na silang humaharap sa panibagong yugto ng buhay bilang mga asawa at ina.

“Ultimate luxury is having friendships that grow with you. From high school and college to becoming wives and now moms, we’ve been navigating life together since 2003.”

Makikita sa post ni Alex ang kanilang barkada na sabay-sabay nang nakakaranas ng saya ng pagiging magulang.

Hindi rin niya napigilang ipakita ang kanyang saya at emosyon habang nakikita ang kanilang grupo na nasa parehong yugto na ng buhay.

Mas naging espesyal para kay Alex ang moment na ito matapos nilang magkaroon ng unang anak ni Lipa. VM Mikee Morada.

Sa loob ng maraming taon, magkakasama ang magkakaibigan sa mahahalagang milestones sa kanilang buhay, pati na rin sa mga heart-to-heart talks at mga pangarap.

Maraming celebrity friends, kabilang si Maja Salvador, at libo-libong netizens ang nag-like at nag-iwan ng masasayang mensahe sa post.

Humanga ang mga followers sa paraan ng pagpapanatili ng grupo ng kanilang matibay na pagkakaibigan—mula noong magkakasama pa sila sa pagsusuot ng school uniforms hanggang sa panahon ngayon na may mga stroller na silang kasama.

Para sa marami, nakaka-inspire ang kanilang journey bilang magkakaibigan na sabay-sabay ding dumaan sa bagong chapter ng pagiging mga ina.

Komento ng netizens: “same girls, just with babies now..Love you all. Thank you Lord”

“Congrats mommy and daddy morada sblobrabg iyak ko nun narinig ko si baby uniyak. I’m so so happy for you guys! !! Love you mama and dada”
“Excited to see our inaanak ng bayan”
“Grabeh teh Alex first time ko kayong napanood with your friends back 2019 nung nag tatravel kayo nun sa mga vlogs mo and now lahat kayo certified morhers na. Mabuhay ang mga ina”
Congrats Alex!!!!